Need advice

Hello po momshies! Kailangan ko lang po ng advice. Ngayon po kasi ay dito kami sa side ng hubby ko nakatira. Meron akong sister-in-law na may son na 1 yr and 8 months. Ang baby girl ko naman ay turning 5 months. Sobrang grateful ako sa sis-in-law ko kasi yung mga gamit ng anak niya ay pinapahiram niya samin (crib, duyan, rocker,etc. ) Pero isang bagay lang na nanotice ko, palagi na kinocompare yung anak niya sa anak ko. Parang ang dating ay laging anak nya ang magaling. I have nothing against my nephew, pero medyo nakakainis lang na pinagkocompare ang development nila. Iba iba naman kasi ang mga bata diba? Yung baby ko kasi ay ngayong 4 months lang natutong dumapa. Mataba din kasi ang baby ko so baka medyo nahihirapan sya sa weight niya, kaya ngangayon ngayon lang natuto. Yung anak daw niya, 3 months daw nadapa na. Isa pa, ang baby ko kasi ay malaway at malungad. I found out na 3 months pa lang sya, may sumisibol nang isang ngipin sa gums niya. Ang anak daw niya never naglaway, kahit daw nung nagngingipin. Tapos sinasabihan na ang asim daw ng anak ko. Kada lulungad ang anak ko, nililinisan ko kaagad kasi ayaw kong paltan lang ng damit kasi amoy lungad pa din. Pawisin din ang anak ko so malinis din ako sa katawan niya kasi nanlalagkit sya. Sya lang naman ang nagsasabi na maasim daw. Nasa iisang compound lang kasi kami nakatira. So meron silang tita na kaclose talaga nila. Ang isa pa na nakasama ng loob ko, sinasabi pa na favorite na favorite at mahal na mahal daw ng tita nilang yun ang anak niya. Okay lang sakin na sabihin niya yun e. Pero ang ayaw ko, sinabi pa na hindi raw mapapantayan ng anak ko yung pagmamahal ng tita niya sa anak niya. Like, wth? Nakikipagkompetensya ba ang anak ko? Tsaka maglilimang buwan pa lang to, wala pang kamuwang muwang. Kung ipagkukumpara din lang, ayaw ko naman magaya ang anak ko sa anak niya na sobrang spoiled. Pag hindi nasunod ang gusto, pinupukpok ang ulo. ?Hindi ko nga masyado maibida ang anak ko sa side ng husband ko kasi may side comment na naman sya. Na kesyo ang anak niya ganito ganyan. Kaya ang mga pics at videos ay sa parents at kapatid ko na lang isinesend. Hindi ko masabi sa hubby ko kasi baka masamain pa e ang laki nga ng naitulong niya samin. Ewan ko ba, baka masyado lang akong sensitive. Ano sa tingin niyo mga momsh?

22 Replies

Personality na po niya un moms ganun po talaga hinde nagin mapeplease ang tao kung paano sila magsalita, ang magandang gawin no eh hayaan mona lang or kung marinig mo siya magsalita sa harapan ng hinde maganda sa pandinig mo sagutin mo agad in a nice way kc baka hinde niya alam na ibaiba talaga ang Development ng bata.

Yaan mo nlng xa, sakyan mo nlng trip nya sabihin wag ka masyado affected mastress ka lang at xka nasa iisa bahay lng kau kaya hayaan mo n, swerte k pa din kc ganyan lng xa Yong iba nga panay silip ng ginagawa mo tpos ichichismis kapa. Ma's OK n intindihin mo nlng xa para walang gulo kc bka ganyan lng tlga attitude nya.

Natural lang yon, wag maxado magibg sensitive d nmn makkabuti un, mommies have tendency na always ibida ang kanilang mga anak kase proud sila sa milestones ng babies, i would say, mjo insensitive lang xa wag nlng mag create ng spark para wala away anyway mabait nmn xa sau...

same experience. samin nga halos magka edad un baby nmin months lng pagitan kaya lagi kino compare. inis n inis ako pg ganon lalo s mismong baby ko pa sinasabe. tahimik nlng ako, poker face lang. minsan klngn mging plastic pra iwas gulo. hahahaha

Hindi ata alam nang sis-in-law mo na maypagkaiba-iba ang tao. Ignore mo lang Sis. Malay mo paglaki ni bebe girl mo, MAS pala siya sa anak niya. 😂 Ganyan mga relatives ko sakin. Ang ending, MAS nakakalamang ako sa kanila. 😂😂😂

Naku mommy hayaan mo na lang. Kulang lang yan sa aruga. Haha. Chos! Pag ganyan po kasi ang isang tao isang bagay lang yan "insecurity". Pag mga ganyan na insecure na tao hinahayaan na lang yan 😂🤣

Hayaan muna sya mamsh baka kc d xa sanay n may ibang bata jan sa side ng hubby mu kea panay kumpara nya sa bby mu d nmn yan big deal mamsh minsan kc naiingit lng yan ...

VIP Member

Dedma mo lang momsh pag binida pa ulit nya anak nya sayo sagutin mo "oh talaga buti pa anak mo" hayaan mo sya. Kainis ang mga ganyan.

VIP Member

Ignore mo na lang ganyan mga momshie pero sana magkachance na nakabukod kayo ng family mo para iwas sa ganyang issue.

Gustong gusto na nga namin ni hubby. Kailangan lang namin syempre mag ipon muna. May lupa na kasi sya, pampagawa na lang ng bahay. Kahit maliit lang muna. Saka na palakihin 😊

Wala eh, nakikitira ka lang. Pag pumalag ka, ikaw ang masama.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles