Need advice

Hello po momshies! Kailangan ko lang po ng advice. Ngayon po kasi ay dito kami sa side ng hubby ko nakatira. Meron akong sister-in-law na may son na 1 yr and 8 months. Ang baby girl ko naman ay turning 5 months. Sobrang grateful ako sa sis-in-law ko kasi yung mga gamit ng anak niya ay pinapahiram niya samin (crib, duyan, rocker,etc. ) Pero isang bagay lang na nanotice ko, palagi na kinocompare yung anak niya sa anak ko. Parang ang dating ay laging anak nya ang magaling. I have nothing against my nephew, pero medyo nakakainis lang na pinagkocompare ang development nila. Iba iba naman kasi ang mga bata diba? Yung baby ko kasi ay ngayong 4 months lang natutong dumapa. Mataba din kasi ang baby ko so baka medyo nahihirapan sya sa weight niya, kaya ngangayon ngayon lang natuto. Yung anak daw niya, 3 months daw nadapa na. Isa pa, ang baby ko kasi ay malaway at malungad. I found out na 3 months pa lang sya, may sumisibol nang isang ngipin sa gums niya. Ang anak daw niya never naglaway, kahit daw nung nagngingipin. Tapos sinasabihan na ang asim daw ng anak ko. Kada lulungad ang anak ko, nililinisan ko kaagad kasi ayaw kong paltan lang ng damit kasi amoy lungad pa din. Pawisin din ang anak ko so malinis din ako sa katawan niya kasi nanlalagkit sya. Sya lang naman ang nagsasabi na maasim daw. Nasa iisang compound lang kasi kami nakatira. So meron silang tita na kaclose talaga nila. Ang isa pa na nakasama ng loob ko, sinasabi pa na favorite na favorite at mahal na mahal daw ng tita nilang yun ang anak niya. Okay lang sakin na sabihin niya yun e. Pero ang ayaw ko, sinabi pa na hindi raw mapapantayan ng anak ko yung pagmamahal ng tita niya sa anak niya. Like, wth? Nakikipagkompetensya ba ang anak ko? Tsaka maglilimang buwan pa lang to, wala pang kamuwang muwang. Kung ipagkukumpara din lang, ayaw ko naman magaya ang anak ko sa anak niya na sobrang spoiled. Pag hindi nasunod ang gusto, pinupukpok ang ulo. ?Hindi ko nga masyado maibida ang anak ko sa side ng husband ko kasi may side comment na naman sya. Na kesyo ang anak niya ganito ganyan. Kaya ang mga pics at videos ay sa parents at kapatid ko na lang isinesend. Hindi ko masabi sa hubby ko kasi baka masamain pa e ang laki nga ng naitulong niya samin. Ewan ko ba, baka masyado lang akong sensitive. Ano sa tingin niyo mga momsh?

22 Replies

Ganyan talaga mga eksena sa mga sister in laws sis naku nasa iisang bahay pa naman kayo or compound kung maari hwag mo nalang dibdibin isipin mo lang palagi na hindi contest ang pagiging nanay basta importante naalagaan natin ng mabuti anak natin.. may mga tao kasing bida bidahan ayaw pahuli kasi competetive pero sa kanila na yun.. Kung nasasaktan ka na talaga sa mga side comments nya mas mabuting sabihin mo nang prangka in a good way like " Ate naman ohh baby pa kasi to malaki na yang sayo ehh tsaka ok lang kasi ibang bata nga delayed ang development hintayin lang natin kelan sya kasi di naman contest yung paglaki ehh ( with a smile) " atleast prangka tayo na hindi nakakasakit para maiwasan sama ng loob sa isa't-isa maya maya nyan kung na away kayo kikwentahan kapa sa tulong nya.. Say thank you din "ate thank you ha kasi kung di moko naguide baka wala akong clue sa development ni baby" may friendly competition din kasi sis hwag mo lang dibdibin talaga. Or much better bumukod kayo ni hubby pero kung di pa kaya iwasan mo nalang para peace lahat. Trust me been there 😊

For me, kinukwento mya lang yun experience nya na di nya napapansin na nako compare napala nya anak nya. Ignore her na lang. Pero kung gusto mo sagutin, pabiro na lang. Ngitian mo na lang. 😊 Pa joke mo sabihan na syempre iba mas matanda ank mo kasi mag kaiba ang pag laki ng mga baby. Sayo lalaki, sakin babae. Kaya ate wag na lang naten pag kumperahin noh. 😊 Sbhan mo na lang ah oo magaling naman ng anak mo.. mana sayo yan. Bulahin mo na lang.. para wag na mag kumpera. Mag thank you kana lang din mag napupuri anak mo. Pero sa isip isio mo pasalamat ka madami ka naibigay na gamit haha chos! 😂 Kamo pag kunyari galing ka pedia.. sbhin e normal lang kask sabi ng pedia nya pag ganiyo g age normal.. so blah blah blah.. Ung anak mo e advance pala tlga. ikaw na!😂

Yung way nya kasi ng pagsasabi sis, hindi pagkukwento lang. Okay nga sana kung ganun kasi sobrang tuwang tuwa din naman ako sa pamangkin ko. Ay kaso lang, iba yung dating. Anak nya lang lagi ang bida. Pag pinagkakaguluhan ang anak ko, isisingit niya pa bigla yung bata. 😅

ignore mo nlng po muna , bumawi ka sa pag papalaki ng anak mo ng maayos at academic nya ung prang hands on ka po tlga... and may mga differences kasi ang bata pero when it comes to attitudes dun mas maganda kasi napalaki mo sya ng maayos, ipraise mo nalang din anak nya pra wla masabi. malay mejo inggit lang sya sa anak mo diba.. sakin kasi ganyan din, si mama ko nmn nag cocompare sa mga apo nya mas gusto nya anak ko kasi sya ang nagpalaki pero mga pinsan kasi nya mga 4yrs ang agwat.. kaya sabi ko "ma pansinin mo mga iba mong apo kaya nagseselos si ate eh" so may hurt feelings kasi si ate sa ganun kaya ako nlng nag aaadjust.. agaha mga lola kasi eh...

VIP Member

Naiinsecure lang siguro kasi may bagong baby at mahahati na atensyon ng mga tao sa baby niya. Nakakasama ng loob pero kung wala naman kayong choice kung di magstay dyan, hayaan mo nalang. Ask mo nalang minsan si hubby kung napapansin din nya ba yun, baka pareho kayong nagkikimkim ng sama ng loob. At least may karamay ka na hehe. Minsan pahapyawan mo nalang si sis in law, ibida bida mo si baby mo pag dinodown niya, baka sa paraan na yun mapansin niya na medyo naasar ka sa attitude niyang tinatabla palagi small achievements ng baby mo. Madalas kasi insensitive ang mga tao.

VIP Member

Di talaga maiiwasan minsan sis na icompare mga anak, even paano magpalaki ng anak at pagbubuntis napupuna at ikukumpara sa iba wag mo nalang sila pansinin. Ikaw ang mas nakakaintindi kaya ikaw ang mas angat. 😊 show them na di ka natitinag sa mga sinasabi nila. And lagi mo lang gawin yung tingin mo makakabuti sa anak mo at sa pamilya mo. Hayaan mo lang sila. Sa hubby mo naman mas ok din minsan maglabas ka ng sama ng loob sakanya at iintindihin ka rin naman niya.

Same experience here yung MIL ko palagi may mapupuna sa baby ko at always compare . Iba talaga mommy pag nakikitira ka side ng hubby mo ako nga mas prefer at comfortable ako ngayon nandito kami sa parents ko. Same talaga tayo experience mommy di ko din masasabi ni hubby, at isa pang dahilan na ayw ko tumira sa side ni hubby kasi yung pamangkin nya hindi nasanay mag wash ng hands and mag alcohol pag galing sa labas at agad pa hahawak ni baby. Stress!!!

Mabuti ka pa momsh. Gustuhin ko man na dun kami sa parents ko, hindi pwede kasi masikip dun. Walang space para samin. Pero umuwi kami dun bago maglockdown, ibang iba ang feeling. Walang kastress stress! Hahaha

Nakakainis naman talaga ang ganun. Nakakabwisit. Dalawa lang choice mo. Since nasa isang compound lang kayo,magkikita at magkikita kayo. Either umalis kayo at lumipat ng bahay, para wala ng pag kumpara. O magtiis kayo jan,at dedmahin mo mga sinasabi. Important na sabihin mo sa asawa mo nangyayari at nararamdaman mo. Sabihin mo lang sa kanya in a way na mauunawaan niya. Tapos tignan mo ano sasabihin niya.

Momsh ignore mo sya walang kwenta ang ganun lalo pat papatulan mo magiging kapareho kau ng ugali🤣. Tayong ina ang magbibigay tunay na pagmamahal sa ating anak ibuhos mo sa kanya ang pagamamhal mo momsh yung bang enough na yung isang pagmamahal bunos nalang yung mga tita o sino mang kamag-anak mo. Turuan mo ng kabutihan momsh ang iyong anak wag gumaya sa kanya parang naging ksp lang sya.

Yaan mo nlng sis para di nalang sumama loob mo.. may mga tao po tlg hilig magkumpara pero base dn po sa naexperience nila un pero magkakaiba po kase lahat ng bata .. lahat tayo halos magkakaiba kea yaan mo nlng po, ung cnsbi naman nya na wala makakapantay sa pagmamahal or what ok lang kase marami naman pwede magbago. ang importante marami pdin nagmamahal ke baby mo

VIP Member

babies develop at his/her own pace. pasensyahan na lang sis kasi nakikitira ka.. if may advice sya, just say thank u ill keep that in mind. do whats best for ur child pa din. pakingan mo lang sis yung mga kinokoment nya kasi if papatulan mo bka maging defensive. let her be as long as di na below the belt yung mga sinasabi nya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles