naumbok na pusod ni Lo
Hello po momsh, pahelp po, worried po ako sa pusod ni lo, anp pong gagawin ko para maging normal po ito , ganito na po ba amg pusod nya hanggang lumaki sya? Sino po same pusod sa lo ko? Tia.
Iobserve nyo nlng po muna til 2yrs old kc po un iba nagiging normal. Nkkakita po ako ng ganyan pusod kc po sa pedia po ako ngwowork. Un pglagay po ng barya or bigkis hndi adviseable ng pedia ko po.
Ganyan sa LO ko hanggang ngayon mag 2mos na. Pinacheck ko sa pedia, okay lang naman daw. Lulubog din naman daw. Wait daw ako hanggang 6mos. Pag di lumubog doon gagawa ng ibang aksyon.
nagkaganyan din po yung bunso ko as in lobo pa po dyan. pag umiiyak kala mo puputok hehe ginamitan ko lang po ng binder na nbibili sa enfant. ayun after ilang weeks flat na sya
ganyan ung panganay kc sobrang iyakin kaya umaalsa din ung pusod kaya sbi ng pedia lagyan ng piso itahi sa tela ska bigkisan ayun nging ok nmn pusod lumubog din..
nangyari sa eldest ko yan nilagyan lang ng piso araw araw pero syempre nilagyan ko ng tape or kung ano pwede itakip sa coin nagflat naman na pusod niya
Umbilical hernia po yan.. Ipacheck nyo po sa pedia para mapa ultrasound ung pusod. Kusa po yan nagsasara pero pag malaki po kailangan ng opera
Ganyan dati 1st baby ko, yung tita ko nilagyan piso and bigkis.. Ayun after, lumalim na sya..ok na.. Pero sana ipacheckup mo muna momsh..
Ganyan po kay lo ko..pina consult ko kay pedia nya.. magbabad daw ng coins sa alcohol tpos ibalot sa gaza saka ilagay sa pusod at bigkisan..
Nakukuha Yan sa sobrang pag iyak Kaya dapat baby pa wag hayaan umiyak ng sobra.. oo may mga Bata na ganyan din nangyayari
Dapat talian nyo parin po iyan ng bigkis para lumiit po sya lagyan nyo ng manzanilla pra malambot tyagaan nyo po ππ»
Ilang buwan na ba sya maaga nyo po ata inalisan ng bigkis ..βΉοΈ