rashes
Hello po mommies! Yung baby ko 10 days old palang may ganito na, nagsimula to nung nag use ako ng wipes... Parang di ata nagustuhan yung quality ng wipes at nasunog balat ni lo, pano po gamotin to?
Ni copy paste ko lang same kayo ng case ng isa mommy eh. Dalawa na baby ko sa awa nh diyos di ko pa naranasan na umabot sa ganyan kalala ang rashes ng mga anak ko. Pag nakita ko may kunti rashes na isip agad anu reason para magawan agad ng paraan. Sana mommy noong start palang yong rashes nya nag isip ka na anu cause at noong feeling mo di nagaling sa gamot na nilagay mo sana dinala mo na sa pedia pinaabot mo na ganyan kalala yong rashes nya kawawa siya. Try change ng brand ng diaper baka di siya hiyang jan try huggies dry or mommy poko baka mahiyang siya. Tapos sa gabi mo lang muna siya diaper pag daytime use diaper cloth or lampien para every wiwi nya mapalitan mo agad di mababad ang pwet nya. Tapos hwag muna gumamit ng wipes gamit ka lang lukewarm water at cotton every wiwi nya linisan mo tubig hwag mo hahayaan na basa anv pwet nya kasi ang pinaka magandang gamot pag rashes is pahanginan mo yang parte na may rashes at di nababad sa wiwi.
Magbasa paHello mommy. Nakapagtanong na po ba kayo sa kanyang pedia kung anong pede gawin? If may contact number po kayo ng pedia mas ok po na mainform po muna sya. Then for home remedy po better na ipahinga nyo muna si baby sa pag gamit ng diaper and wipes lalo na po pag nasa bahay lang. Try to use lampin din po para makahinga balat nya dyan. Since pag lampin po gagamitin nyo lagi yan mababasa or magdudumi agad lalo na kung heavy wetter and always poops si baby. kada palit po ay wash lagi ng water yung part na yan ni baby then make sure tuyo yan. Dampi dampi lang ang gawin and pede na din pong hipan para mas mabilis matuyo mga singit singit ni baby. Medyo matrabaho po pero para naman kay baby. Hope this helps po.
Magbasa paConsult nyo po sa pedia nya asap if not sa health center para mabigyan kau ng tamang pang gamot dyan wag kung ano-ano ipapahid iba iba kc ang bawat babies (reg. allergic reaction). Change your diaper brand or lampin muna say and yun pang wipes nya cotton balls muna po with luke warm water, gentle lang po ang pag pahid kc manipis po at sensitive ang skins ng mga baby lalo na newborn. Iwasang mababad ang basang lampin o diaper, lagi nyo pong icheck kung basa (lampin) o puno (diaper) na to. I-consult sa pedia or research (yung credible katulad ng mga vlog or websites ng pediatricians/medical experts mismo) nyo po muna bago kau gumamit ng kung ano para kay baby para mas sigurado taung safe ito.
Magbasa paAw kawawa naman si baby boy 😔 get well soon sayo baby. Sis wag mo gamitan ng wipes LO mo, hindi pa yan pwede sakanya. Even alcohol bawal din. Cotton and warm water lang panlinis mo ng poops nya. Make sure din na tuyo na ang putoytoy at pwet ni baby bago mo sya suotan ng diaper. Saka yung diaper na gamit mo yung DRY. Ako gamit ko kay LO ko Huggies Dry. Hangga't hindi pa nagsosolid foods si baby, hindi pa mabaho ang poops nya. So no need to use wipes pang linis ng poops nya. Super sensitive pa po nag balat ng new born.
Magbasa paHala dapat gapas lang beh tsaka maligamgam na tubig na may isang patak ng alcohol pag ganyang 10days palang. Dampi dampi lang dapat. Pagkatapos bumili ka ng petrulium jelly yong diaper rash. Lagyan mo yong rashes niya. Tapos lagyan mo ng konti fissan, yong fissan diaper rash, yong dampi dampi lang pag lagay ng fissan para tumuyo yong rashes. Tapos bili ka beh ng washable diaper. Nasa 1400 ata price. 5pcs na yon. Sulit naman gamitin. Kawawa naman si baby. Di naman mabaho popo ni baby pag ganyan palang.
Magbasa paHindi naman po kasi dapat winawipes ang newborn. Much better use cotton balls at maligamgam na tubig tapos magaan lang ang pagpunas. Better rin kung tutuyuin gamit lampin pero dampi dampi lang. Then consult sa pedia kung ano ang magandang ipahid. WAG NA WAG KA PO sana magask dito ng mga about sa gamot dahil iba iba po ang case ng bawat baby. Better safe than sorry baka lumala pa hindi mga doctor ang nagcocomment dito. Baka mapahamak lalo wala lang ibang masisisi.
Magbasa paCotton+water. . .yan lang. Use calmoseptine. That's the worst rash i've ever seen. Don't use wipes sa newborn. Yan sbi ng pedia. No wipes, lotions. Nothing. For bathing, use cetaphil ung hndi pang baby. Ung regular skin cleanser n gamit ng adults. Highly recommended ng pedia ni bb. Yan gamit ng bb q. Make sure na dry ang skin b4 suotan ng diaper c bb.
Magbasa paMamsh kapag baby hindi kailangan ng baby wipes. Much better ang plain warm water walang alcohol tapos bulak lang saka papahanginan mo at make sure na laging tuyo bago mo diaperan si baby ulit. I use baby wipes kapag umaalis lang kami pero as much as possible ginagamitan ko parin siya ng water and cotton para iwas diaper rash.
Magbasa paako po sis umpisa pa lang kapag nakita kong may namumula sa pwet ng anak ko nilalagyan ko po agad ng petroluim jelly..hiyang nmn sa baby ko.. tapos try mo yung nursy na baby wipes para s may mga sensitive skin..huwag mo sya lalagyan ng baby powder sis lalo sya maiirita.. maganda din po yung drapolene nagamit ko po s panganay ko..
Magbasa paMommy kawawa naman si baby. Pag ganyan pang kababy wag po muna wipes ang gamitin panlinis bum nila. Warm water at cotton lang tapos tap mo ng dry cloth. Lagyan m lagi ng powder na tinybuds rice powder un singit at pwet para d magrashes, pahingahin mo muna s diaper si baby para makasingaw un bum nya at di lalo mairitate.
Magbasa pa