Laging umiiyak pag nililiguan si baby
Hi po mommies. Yung baby ko po 3months na at hanggang ngayon lagi po syang naiyak pag nililiguan kaya dalawa po kami laging nagpapaligo. Hawak ko sya tapos yung isa sya nagliligo. Kahit po punas lang kasi madalas punas lang po sya sa gabi naiyak po. Parang takot sa tubig. Ano po kaya pwede namin gawin or iintroduce sknya para unti unti na maovercome nya po yung ‘takot’ nya sa tubig. Or baka may mga mommies na may kagaya sa baby ko paadvice naman po please. Thank you po.

ganyan baby ko since newborn until 3months. ayaw nya mabasa na ewan iyak sya ng uyak kaya ang bath time di enjoyable for her. 2 pa kami laging magpaligo nun kaya hirap talaga since oareho kaming working nurse magasawa salitan lang ng duty at bantay kay baby. naging love lang nya ang water nung 4months sya hanggang sa nagtatampisaw na sya now going 9months.. wala kaming ginawang espesyal nun. talagang hinayaan lang namin, mabilisang ligo lang while playing at singing songs sa kanya about bath time, tapos inuuna naming basain yung paa nya, dahan dahan saka.yung ulo at katawan.. make sure na bago maligo ay di gutom o inaantok at good mood din si baby (usually sa umaga yan afyer paaraw or dede good mood yan) makikita mo naman if nasa good mood ang baby mo.
Magbasa pa