Laging umiiyak pag nililiguan si baby
Hi po mommies. Yung baby ko po 3months na at hanggang ngayon lagi po syang naiyak pag nililiguan kaya dalawa po kami laging nagpapaligo. Hawak ko sya tapos yung isa sya nagliligo. Kahit po punas lang kasi madalas punas lang po sya sa gabi naiyak po. Parang takot sa tubig. Ano po kaya pwede namin gawin or iintroduce sknya para unti unti na maovercome nya po yung βtakotβ nya sa tubig. Or baka may mga mommies na may kagaya sa baby ko paadvice naman po please. Thank you po.

Ganyan din si baby ko, mommy! Nung 1 week to 2 weeks pa lang sya very calm lang sya paliguan, di iyakin. Tapos after 2 weeks nagwawala talaga si baby to the extent na namumula pa ang mukha at nagingitim sa kakaiyak kaya nagsstop po si mama na paliguan si baby. Ngayon po ang naging technique namin, pinupunas punasan na po namin sya habang tulog para po pag as in ligo time na less exposure na po sya or less babad sa water. Sa gabi naman po punas lang din kami warm water. Sisimulan po namin sa pagcchange ng diaper, punas sa paa then patuyo agad, tas punas sa kamay then patuyo, tas katawan and mukha naman po. So far po sa mukha na lang humihikbi si baby kumpara dati.
Magbasa pa