Byahe papuntang work 9weeks pregnant

Hello po mommies. May same po ba ng experience ng sakin? Pinagbedrest kasi ako ng OB ko ng 30days nung 4weeks to 9weeks preggy po ako. Nagspotting kasi ako on and off pero light lang naman. Nagstop naman po yun nung 5weeks na. Based naman din sa ultrasound ko wala naman pong retrochorionic hematoma na nakita at closed din cervix ko. Ask ko lang kasi sabi sakin ni Dra.nasa akin na daw po kung kaya ko na magtravel at magwork. Tanong ko lang po safe na po kaya magwork at magtravel papuntang office kahit 9weeks preggy palang? Ang byahe ko po kasi nung nagwowork pa ako sa opisina ay 45mins papunta at 1hr pauwi pag traffic. Natatakot po kasi ako na baka matagtag sa byahe lalo na pagsakay ng jeep. Sana po mapayuhan nyo po ako kung dapat ko po bang ipaextend ang bed rest ko. Salamat po.#1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung kaya mo naman magbyahe at work sis push mo yan hanggat maliit pa si tummy mo, basta doble ingat lang at hinay hinay lang po sa paggalaw at lakad. ako mag 7mos na si tummy but I'm still working padin nagcocommute din ako almost 30mins at lakad safe naman si baby at matataas naman kasi sya sabi ng ob ko mas okay din kasi na maglakad lakad o kilos tayo para hindi tayo mahirapan manganak

Magbasa pa
3y ago

Sige Mamsh, hingi din ako ng payo sa OB ko para makapagwork na ko ulit. Buti na nga lang din tuwing gabi lang din naatake ang morning sickness ko. 😅 Salamat mamsh.

Related Articles