Nahihirapan mag burp after breastfeeding
Hello po mommies. Sa mga ebf po sa babies nila, nagbburp pa din po ba babies nyo? May nabasa po kasi ako dito na pag ebf hindi daw need ipa burp? Yung baby ko po kasi nahihirapan po palagi magburp. Sinasandal ko po sya sa dibdib ko para magburp kaso nagiging fussy sya na parang nahihirapan ilabas yung burp nya. Any tips po? Thanks
Ako po pure bf kay lo pero pinapaburp ko din po. Kasi pag hindi sya nagburp, lulungad ng malala. 😢 Kung sa tingin nyo po hindi nagbbloated ang tiyan at tsaka hindi lungarin, baka po pwedeng hindi na ipa-burp... narinig ko nga din po yun na pag ebf daw, pwede nang di ipaburp si lo. Pero I think depende pa din sa sitwasyon Hehe
Magbasa paBaby ko, EBF pero hindi proper latch kaya need to burp after feed, otherwise bigla magigising at iritable in the middle of sleep. Pero for some reason, kapag sidelying kami, diretso ang tulog nya with no fuss, kaya di ko na ginigising para iburp. Kaya diretso tulog namin pareho ☺️
ebf ako 6months na si baby. based sa exp ko, minsan nagbuburp pero madalas hindi. maintain ko lang na elevate ang head ni bsby for 30mins bago ko sya ibaba. kung maganda ang latch ni baby (di nakakasuck in ng air) ok lang naman na di maburp.
try nyo po ang bikecycle excersise para sa babies , mabisa din po yun para mapa burp or mapa utot si bby ,mhalaga mailabas nya yung excess air sa tummy nya... pati po paghilot ng tiyan nya na katulad sa orasan ang ikot ng hilot po😊
unang turo sakin ng pedia di naman na need if BF, pero tinatry pa din namin i burp pero sa gabi hindi na masyado nung newborn sya kasi pinag side lying kami agad ng pedia, so ayun nakakatulog lang sya ng nakaganun kaming position
Hello. Sabi ng Pedia kahit hindi na raw. Pero ako pinapaburp ko parin. Yung tyan ng baby ko nuon naka sandal sa dede ko, para may kaunting pressure para makaburp siya, tapos yung ulo naka sandal sa balikat.
Kapag hindi siya makaburp pag po ihihiga niyo na itagilid niyo po siya para kung lumungad man po atleast malalabas niya po. Ganon po kasi advice sakin sa ospital nung napansin nilang di rin nagbeburp si baby.
para sa akin kailangan po ipa burf si baby after breastfeed.,medyo isandal mo lng dibdib nya ng bahagya sa balikat mo sabay haplos sa likod nya para mkadighay sya
Try niyo po paupohin alalayan niyo lang sa ulo at likod or pwede din kargahin niyo tapos ihele,makakatulong yun para bumaba yung milk.
Alam ko pag naka sidelying position lang kayo ng pag brrastfeed pwede kahit di na ipa burp. Pero the rest dapat ipa burp si baby.