Hello po mommies! Ask ko lang po sana. Kasi nung sa panganay ko, after ko manganak mga almost 1 week pa po bago ako nilabasan ng gatas so napilitan kami na iformula siya. Nung nagka gatas na po tuloy ako at gusto ko na siya ibreastfeed, parang nasanay na po tuloy siya sa formula at ayaw niya ng gatas ko. Sa sobrnag ayaw ko masayang gatas ko, bumili pa ko ng pump non para magcollect milk ko kais baka gusto niya sa bote kaso ayaw pa din niya. Eh ngayon sana, sa 2nd baby ko gusto ko talaga ibreastfeed siya kaso wala pa din ako gatas or baka kasi mangyari nanaman yung ganun. Ask ko lang po kung may pwede ba gawin o inumin para sana magka gatas ako bago ba lumabas si bunso ko. 30 weeks preggy po kasi ako ngayon. Thank you in advance po! ?