18 weeks and 3 days po today. Pero di parin halata na buntis
Hello po mga mumsh. Okay lang po ba 18 weeks and 3 days today pero parang busog lang po ako. Di po halatang buntis ako. Naiinggit kasi ako sa ibang buntis kasi ang laki na ng tiyan nila. Godbless #firstbaby #1stimemom
okay lang yan sis. ako din nung 18w, may konti nang baby bump pero mas muka paring busog. 24w nga ako sinabihan lang ako, anlaki ng itinaba mo. bilbil lang ata tingin ng iba sa tyan ko lol. basta healthy si baby sis. 7 months sinusukat na ni ob siguro kung tama yung laki ng tyan sa pagbubuntis.
Yes momsh, ok lang yan! I feel you, nung mga ganyang weeks palang ako. Pero pag tungtong mo ng 7 or 8 mos biglang lalaki din yan. 🤗 Pero di tlga ganun kalakihan. Sakto lang na nag halata na siya. 😅Importante healthy si baby at ikaw. 😊
yes .. ako din kahit sa second baby ko 6 months parang busog lang daw ako. pero 7 months biglang lalaki na yan.. mahalaga nakapag pacheck up at ultrasound ka. kung wala naman silang sinabing mali. edi walang masama dun..
ok lang yan momshie ako nga din maliit tummy 32 weeks na din pero 25 cm lang fundal height sa ultrasound normal nmn lahat may mga momshie daw po talaga maliit magbuntis.
ok lang yan mommy. ganyan din naman ako nun. 6 months na maliit parin tiyan ko pero nagsisimula na maghalata baby bump ko. ang importante healthy kayo pareho.
Yes mommy, normal lang po. 1st pregnancy ko din and ganyan din ako pero pag tungtong ko ng 20 weeks parang biglang laki siya. ingat always, mamsh!
same tayo mamsh 18 weeks pero parang busog lang, basta okay naman ultrasound ni baby tapos nainom ka vitamins and maternal milk okay na un
ako nga po mataba 17 weeks and 1 day pero parang di naman lumalaki tiyan ko.. inggit ako sa iba kasi nalaki tiyan nila😍
Okay lang yan. 7months na tyan ko nakakapagpantalon pa ako, di mo mamamalayan biglang laki yang tyan mo 😅
ako nga 5months na haha wala pa din hahaha first time mom ako ha. pero okay lang basta healthy lang.