First time mom

Hello po mga mums ask lang po kung paano po ba ang bilang ng months ng tiyan base po ba ito dun sa araw kung kailan mo nalaman na buntis ka ung araw poba na nagtake ka ng pt at positive sa ganung araw poba malalaman ang bilang ng tiyan if pangalawang buwan na ung tiyan mo ung akin po ksi nalaman ko nung March 30. 2021 just asking salamat sa sasagot #1stimemom #advicepls #firstbaby #pregnancy

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang start po ng bilang sa unang araw ng huling regla mo.. wala po kasi nkaka alam tlga kelan eksaktong araw nabuo si baby, kaya tatantyahin mula sa huling regla mo. may ultrasound na ginagawa pag nag pacheck ka, malalaman mo n gaano n siya kalaki at corresponding weeks ni baby.

Nagpa check up na po ba kayo? Kung early pregnancy, ipapa TVS/transviginal scan ka para malaman kung may nabuo na nga. Tatanungin rin yung unang araw ng LMP/last menstrual period mo. Yun ang magiging basehan ilang weeks na. Kaya magpa TVS ka na sa OB Sonologist

ako po kasi pagka pt ko at positive ang lumabas nag pa check up na po agad ako para malaman ko kung okay po ba si baby, at kung ilang weeks na ba si baby, bale 6 weeks na po tummy ko nung nag pacheck up ako,katumbas po nun ay 1month and 2 weeks 😊

VIP Member

mas magandang bumase nalang sa last menstruation. kasi nd mo naman alam kelan ka talaga nalagyan🤔 pero para mas sure pa ultrasound ka pero mas maganda pag ultrasound 5 months para kita na sure ung gender if maganda ang position ni baby❤️

tulad mo ng karamihan ng sagot ng mga mommies dito. Ang bilang nyo ay Ang 1st day ng last menstruation period nyo. halimbawa po Feb 22 (yan po yung unang araw ng regla nyo) dyan po kayo mag simula magbilang mommy

VIP Member

Doctors usually base it on the earliest ultrasound (1st trimester ultrasound). However sometimes, if not available, we base it on the last menstrual period (unang araw ng huling mens).

VIP Member

First day ng last mens mo po pero kung di ka sure mamshie like me ginawa namin ni OB pinag UTZ nya ako para malaman namin age mismo ni baby and until noelw un sinusundan namin🙂☺️

First day po ng last mentrual period. Better go to an OB po para makapag request sya ng transvaginal ultrasound, masreliable po sya if hindi nyo po maalala kelan kayo nagkaperiod.

pag po nagpacheckup kayo tatanungin po ng OB kung kelan ang unang araw ng huling regla mo kaya dapat alam mo kung kelan po ,alam na po ng OB kung ilang weeks na po ang tyan niyo 😊

VIP Member

nung nakapag PT ka po at positive, next step mo is magpacheck up mommy saka ka iultrasound para malaman kung ilang weeks na si baby