POSTERIOR CEPHALIC
Hi po mga momshies! Gusto ko lang ask sana kung ano po experience ng mga mommies na nag normal delivery sa kanila baby na naka posterior cephalic ang position hehehehe

Just gave birth last September 30. Totoo nga ang nababasa ko na mas matagal ang labor at masakit pag posterior. I was induced at 39 weeks and 5 days due to GDM and was in excruciating labor pains for 12 works. Fully dilated na ako pero hindi pa pumuputok ang panubigan Kaya kahit it's not their protocol, nagrequest ako na putukin na sya. Mabuti mababait Yung nakasched that time (I gave birth in a public hospital btw) then during the delivery, akala ko mabilis nalang pero sobrang nahirapan ako ilabas si baby considering na 2.7kgs Lang sya. 1 hour din ang attempt. Mataas pa kasi sya and we found out when we had the assisted delivery thru vacuum, may cord coil si baby. Kudos sa Dasca OB team that day tlaga. Yung arte ko napagtiisan nila. They assisted me all through out.
Magbasa pa