pampahid iwas kapag ni baby at nalamigin

Hello po mga momshies. Gulong gulo na talaga ako kung saan ako maniwala. Dito na po ako magtanong sa inyo. Safe bang gamitin ang manzanilla oil sa baby? 3 months na po baby ko po at lagi sinasabi nila mga tao dito sa bahay lalo mga nanay na, na pagkatapos maligo ni baby papahiran ng manzanilla yung tiyan niya at lalo na pag gabi iyas kabag. Pero sa mga nabasa ko na mga articles di daw safe sa baby at balat. Ang sa akin lng po kasi minsan kinakabag si baby ano po gagawin ko po or pwede bang gamitin ang manzanilla or may iba pang oil na safe pampahid sa kanya. Salamat po sa mga sasagot.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Manzanilla din po gamit ko momsh..ganun din po dati ako. Nababasa ko na bawal kaya lang cla mama at dito sa amin ganun daw gamitin. Kesa kabagin c baby nag aapply nlg din ako manzanilla

5y ago

Opo yan gamit ko kasi maganda ang ingredients nya chamomile at citronella.. Yung ibang manzanilla kasi iba iba ang ingredients