Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
poop ni baby
Hello po sana matulungan niyo po ako. Nan Optipro Hw One user po ang baby ko. Ok at hiyang naman sya sa gatas na ito at bumigat at lumaki naman sya.Noon everyday sya naka poop pero ngayon hindi na. Nung isang beses umabot ng dalawang araw bago sya nag poop ngayon naman di naman nag poop pang dalawang araw na niya. Lagi naman syang umuutot. Mix feed po sya, sa umaga formula po kasi may work ako pag gabi naman breastfeed. Baka dahil nag mix po ako kaya nagka ganito? Or dapat palitan na yung formula? Or normal ba ito hintayin ko lng mag poop sya? Or gagamit na ba ako ng pampalambot ng poop nya? Di naman sya iritable or umiiyak si baby. At dumedede naman din. Ano po yung gagawin ko. Sana meron mag advise sakin. Wla pa akong pera pang check up sa pedia ngayon.Salamat po sa sasagot.
pampahid iwas kapag ni baby at nalamigin
Hello po mga momshies. Gulong gulo na talaga ako kung saan ako maniwala. Dito na po ako magtanong sa inyo. Safe bang gamitin ang manzanilla oil sa baby? 3 months na po baby ko po at lagi sinasabi nila mga tao dito sa bahay lalo mga nanay na, na pagkatapos maligo ni baby papahiran ng manzanilla yung tiyan niya at lalo na pag gabi iyas kabag. Pero sa mga nabasa ko na mga articles di daw safe sa baby at balat. Ang sa akin lng po kasi minsan kinakabag si baby ano po gagawin ko po or pwede bang gamitin ang manzanilla or may iba pang oil na safe pampahid sa kanya. Salamat po sa mga sasagot.
Best formula
Hello po. May poll lng po ako, ano po ang best formula closest to breastmilk? Nan optipro hm one gamit ko po ngayon at color greeb poop nya at smelly. Balak ko pong mag change ng milk. Sana po matulungan niyo ako. Salamat po
baby poop
Good evening po, may tanong lng po ako sana matulungan niyo ako. Natatakot at nababahala po ako. Kakapo poo lng ni baby di sya nagtae kanina, ngayon lng. Pero medyo mabaho at tiningnan ko dark green yung poop nya. Kakasimula pa namin din mag formula kahapon na straight at Nan Optipro gamit nya. 3 months po si baby. Ano po diarrhea po yun or normal lng po? I hope matulungan niyo po ako. Baka na dehydrate na po ba sya? Salamat po sa mga sasagot
ilang dose ng paracetamol
Hello po sana matulungan nyo po ako. Nagpa vaccine po kami kanina ng 2 months kong baby sa health center. Tapos sinabihan lng kami na painumin sya ng paracetamol. So bumili na ako ng gamot. Di ko din maalala kung ilang ml ba yun para sa kanya. Kung 0.3 or 0.5 ba yun.I hope matulungan nyo po ako. Umiiyak na din si baby kasi masakit yung tinurukan ng injection kanina
Infant Formula
Hello po mga momshies! May tanong lng po ako sana matulungan nyo po ako sa pag decide. Two months na po ang baby namin at exclusive breastfeeding talaga ako sa kanya. Pero in one month babalik na po ako sa work ko. Tanong ko " Ano yung the best infant formula zero to 6 months. Can you suggest po mga momshies? Salamat
diaper rashes
Good pm po may tanong lng po ako sana matulungan nyo po ako. Nagkaroon po diaper rashes baby ko po. Ano po yung gamot or gagawin ko po. Wla po akong pera pang ps check up po. Salamat
lagnat
Hello po, ask lng po ako ulit kung ano po yung normal temperature ng isang baby less than 3 months po. Nagpa immunize po kasi kami kanina kay baby tapos sinabihan kami na pwede syang lagnatin nun. Kaya pinabili kami ng paracetamol. Pinainom ko po si baby kanina kahit 37.3 yung temperature nya. Lagi syang umiiyak at gusto nya palagi kinakarga. Consider na po bang may lagnat baby ko po ns one month a a half lng sya?salamat po
pwede ba ang tubig?
Hello po, ask lng po ako kung pwede painomin ng tubig ang baby ko po. 1 month and a half pa po sya. At kung pwede ano pong tubig po pwede? Salamat po
may sipon si baby
Good evening po momshies, sobrang kawawa po yung 2 weeks old kong baby kasi may sipon po sya. Ano po yung pwedeng gawin pag may sipon ang newborn po? I hope madami mag comment at may same experience din. First time mom po ako. Nag punta ako sa pedia at nerestahan ako ng Cetirizine allerkid at salinase. Yung cetirizine parang na woworry akong gumamit ka 2 days na nyang uminom nun 0.3 sa droplets. Thank u po.