UTI

hi po mga momshie sino po dito niresetahan ng doctor nila ng gamot para sa UTI ng buntis na ganto ? Cefalexin 500mg, Safe po ba ito sa buntis

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung nireseta naman ng doc mo at alam niyang preggy ka, safe naman siguro yan. Basta inumin at sundin mo yung bilang at yung span ng araw na dapat mong inumin yung gamot. Nung medyo malaki na ang tiyan ko at nag-uti uli ako, vaginal suppository na ang inireresta sakin. Pero nung early weeks pa, nagtake din ako oral meds for UTI. May chance yan magpabalik balik kaya mag-ingat sa kinakain, damihan ang inom ng tubig, at wag magpipigil ng wiwi.

Magbasa pa
6y ago

Yes sis thankyou sa advice mo 😊 natakot lang kc ako 500mg yung gamot

ako ktatapos ko lang magtake ng cefalexin , safe naman sya ayon sa ob ko. kasi nung niresetahan ako ng doctor ipaconsult ko muna dw sa ob kung papayag si ob sa cefalexin 2x a day in 1 week kasi nung nagpamedical ako my uti ako pero mababa lang. then nagpunta ko kay ob ok lang dw cefalexin kahit mababa lang dw uti ko need pdin gamutin kasi bka makuha ni baby ung infection. 👍

Magbasa pa
6y ago

ok na po ung uti mo sis? nagtake nko kanina umaga ng 1capsule. 3 times a day din ksi advise sakin. And buko saka water therapy din

VIP Member

Oo naman..prescribed na ng Ob yan eh.Maliban lang kong prescribed ni kapitbahay o kaibigan😊 Yan naman lagi nirereseta momsh pero hanggat kaya naman mag water therapy why not dba?ako pinag water therapy lang ni doc kahit malakas uti ko.So far gumaling naman sa tubig😂😂

obcourse safe po yun hndi naman ibbgay ng dr. kng hndi safe ih as long as alam ng dr. na preggy ka . mas mainam na inumin mo antibiotic mo para mblis mwala agad uti tpos inom ka sa morning ng fresh buko tpos more water din pra d karin mdehydrate . 😊

Ako sis, lagi ako nagkakauti pag buntis. Sa 1st baby and ngayon sa 2nd baby ko nagkauti ako. Okay naman po wala naman side effect yan, Safe naman po yan mommy basta bigay ng ob wala naman po nakakasama sa baby binibigay ng ob saatin😊

VIP Member

Basta prescribed ng OB okay lang. And make sure na uubusin mo ung gamot on time and for 7days/14days depende sa ilang linggo sau ipapainom depende din kasi sa taas ng bacteria. More water din at cranberry juice para sa uti

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-75607)

Yes po, same tayo ng gamot. Ako po mga 3 days ko lang syang tinake, sinasabayan ko lang ng purong buko first in the morning then more on water. Nung nagpa urinalysis ulit ako after, wala na po kong uti

Sakin po 3x a day every 8hrs kc 1week nya ko pinpainom nun dahil nagsabay ung uti ko at ubo ko my bacteria n ung ubo at ang taas ng infection ko s uti nillgnat n ko kaya 3x a day nya ko pinapainom

Ako momsh niresetahan ako ni doc ng ganyan pero di ako uminon natatakot kasi ako na baka makaapekto kay baby lalo na madami iniinom na gamot. Puro tubig lang ako minsan buko