Need ko po ng help!

Hello po mga momshie, share ko lang po sana pinagdadaanan ko ngayon. 1 month na po since manganak po ako napansin ko po na nagbago na partner ko. Kung dati po ang sweet2 niya ngayon hindi na po. Kung dati kapag nag-aaway kami palagi siyang humihingi ng sorry ngayon pinapabayaan nalang po niya ako. Hindi niya iniisip kung ano ba naging kasalanan niya. Kapag alam ko naman pong kasalanan ko humihingi po agad ako ng sorry. Mas malala pa po kapag nag-ccp siya pinapabayaan ko naman po pero pagdating na po sa pag-aalaga sa baby namin lalo na po sa gabi umiinit na po ulo niya. Pangalawang beses ko na po siyang naaktuhan na nagmumura sa harap ng baby namin kapag di niya to napapatulog. 1 month old palang po si baby namin. Masakit lang po sa part ko kasi sarili po niyang anak ginaganun niya. Ako nga po na kahit pagod na pagod at puyat na puyat di ko naman nakuhang murahin ung baby ko 😢 hindi ko po siya pinapansin ngayon dahil po sa ginawa niya at mukhang wala din po siyang balak humingi ng sorry dahil po sa manhid siya. Naaawa talaga ako sa baby ko 😭 ang alam siguro niya sapat na ung pinapalamon niya kami di bale nang hindi alagaan. Pa-advice naman po plsss! 😭 #pregnancy #theasianparentph #firstbaby #1stimemom #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Cguro kausapin mo muna, tell him how you feel, lahat sabihin mo. Kung unreasonable mga sagot niya iba n yan momsh. Iwanan mo nlng, then magdemand ka ng suporta, bka matrigger pa postpartum depression mo. Kaya mo po yan, pray. God bless.

iwan mu pra mdla ..o my pingmmlaki n Kya nanlalamig npu senyu