36weeks 1-2cm

Hello po mga momsh, nagpacheck up ako kanina open cervix na daw ako 1-2cm, pero no pain pa naman po, sabi ng OB madalas 1-2weeks pa daw tinatagal bago manganak, sa experience nyo po gaano katagal pa kayo nanganak nung nag 2cm kayo? And ano pong mafifeel ko kung malapit na talaga ko manganak? Kinakabahan napo ako :(

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung 2 cm na po ako.. Pagkabukas nanganak napo ako.. Pero ako po yun. Manipis po kasi talaga ang lining ko... Tas mahilig po ako maglakad.lakad nung buntis ako..at nag.yoyoga din kaya mabilis lang.. Nung una wala naman po akong na.feel parang normal lang nung 2 cm ako friday 4 pm yun..then sumasakit na puson ko 2 am saturday.. Pero mahaba pa ang time interval ng sakit.. 3 am nag.spotting na ako.. Then pababa na po yung interval ng sakit.. 6 am pumunta na po ako sa lying inn.. Yung interval ng pagsakit is 30 minutes.. Then i.e. ng midwife 5 cm pa ako. Pag.12.45 pm nasa delivery room na ako kasi ang sakit na then 10 cm na ako.. Pag. 2.44 pm.. Lumabas na c baby..

Magbasa pa