any tips or recommendations
Hello po mga momsh! I am currently 39 weeks and 1 day but still 1cm palang. Any tips po para mas mapabilis ang paglabas ni baby? Nag woworry po kasi ako, baka ma-overdue ako at ma-emergency CS ? TIA!

Mommy, di ako expert ha. Based on my experience lang. Nun sa hospital ako nanganak sa panganay ko pinwersa nila ilabas si baby. Water bag intact, no spotting ako. Grabe pressure at sakit non. Pinaglakad lakad ako at dinaganan pa tummy ko. Muntik pa ako ma-cs. Pero sa second baby ko, yun nagpaanak sakin is iba. Pag IE nya sakin, 6cm na. So sabi nya, kumain daw muna ako. Pagtapos ko kumain, pinahiga/upo nya lang ako. Wag daw ako maglakad lakad at tumayo, kasi kusa naman daw lalabas at bababa si baby. Magrelax lang daw ako. So ayun ginawa ko, relax lang kahiga. Kada may hilab hinga lang sa bibig. Very relaxing, parang wala lang. Unlike nung una. Kaya payo ko sayo mommy, relax kalang. Wag mapressure ksi mararamdaman ni baby un. Kausapin mo lang sya lagi. At saka pag mahihiga ka laging sa KALIWA.
Magbasa pa