Emotional

Medyo nagdadamdam po ako ngayon kasi po sinabi ko na po sa tita ko na buntis ako. Siya po yung nagpaaral sakin nung maliit pa ko pero parang ang sakit lang po kasi na masabihan na lalo ko lang pinahirapan si mama kasi sya na nga lang nagtratrabaho tapos sya pa daw po mag aalaga. ? Hindi ko naman po ginusto na mabuntis agad. Di ko din naman po papahirapan mama ko mag hahanap ako agad ng trabaho pag nakapanganak na ko ? hays

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Concern lang ung tita mo sa mama mo,siguro kasi nakikita niya kung ano estado sa buhay ng mama mo ngayon. Truth hurts. Pero sabi mo nga magtatrabaho ka naman. So ipakita at gawin mo na lang na hindi ka nga magiging dagdag sa paghihirap ng mama mo. Magpursige ka. Kaya mo yan. 🙏

5y ago

Nakakasakit lang po kasi ng damdamin makarinig ng ganon kapag buntis ka. Di din po ako malakas na tao, madali po ako maapektuhan sa mga bagay kahit simple lang.

Normal yan sa mga Pinoy lalo pinaaral ka pala ng tita mo. Halos lahat naman ata ng maagang nabuntis eh napagalitan kaya huwag mo ng dibdibin lalo na sabi mo mag wo-work ka naman after mo manganak.

5y ago

Nakagraduate na naman po ako. Ang akin lang po di ko naman po gusto mahirapan mama ko.