Pamahiin ba o totoo?

Hello po mga mommy. Totoo po ba na magiging pipi ang baby kapag tinatago sa ibang tao? Tinatago ko pa po kasi sa mga chismosang kapitbahay namin na buntis ako pero alam na po ng parents ko. Di ko rin naman po tinatanggi na buntis ako pag may nagtatanong. Yung bang ayaw ko lang pong mapagusapan ako at mapagchismisan kaya po tinatago ko lalo na pag lalabas ng bahay ganon.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo itago. Tanggap ka nga ng parents mo e, wala kang pake sa kanila always remember that

Hindi naman po. Nagiging pipi lang naman kung hindi nakakarinig. O my problem sa vocal.