Sino po dito umiinom ng Obimin Plus? May nasusuka din po ba sa inyo after niyo inumin ito? Ang lansa
Hello po mga mommy. Tanong ko lang po sino dito umiinom ng OBIMIN PLUS ? 10 weeks FTM po ako. 30 po niresta sa akin once a day po... nung una po ok naman po pero nung 5 nalang po natira na iinumin ko kada inom ko po nasusuka po ako at ang pangit po talaga ng pagsuka ko lasang kalawang na hindi ko po maintindihan. Yung kulay po niya is violet din po yung suka ko.
dalawa nireseta sken ng ob ko. kahit anu daw sa dalawa pwede ko bilhin. una ko binili 10pcs na Mosvit. d ko kinaya un. bukod sa mas malaki sya, masyadong matapang ung amoy nya na kakabukas mo plang ng lalagyan nya maaamoy mo na agad at dko kse type ung amoy nya.. nakakasuka. kaya pag iniinom ko un, lagi ko sinasabay inuman ng milk. pra ma cover un amoy nya pag mag swallow na. nung naubos ko yung 10pcs. nagpalit ako, Obimin na. mas gusto ko amoy nya saka prang may kaamoy kse sya na chocolate. sinasabay ko prin sya sa pag inom ko ng milk, pero mas gusto ko xa. wala pa kong negative feedback sa obimin 😊
Magbasa pasame here mi.. OBIMIN plus din iniinom ko pag gabi.. at halos araw2 ako nagsusuka.. may time na pina stop ako ng doctor ko uminom ng vit kasi anlala ng suka ko at pinainom nya ako ng gaviscon double for 5 days.. after nun bumalik ulit ako ng vit.. pero nagsusuka pa din ako hehehe.. lalo na ung calciumade na iniinom ko dati nung 1 month pa lng akong buntis, ang pait sobra ng suka ko na kulay yellow.. tapos pinalitan nya ng calci-plus hehe buti di na ako masyado nagsusuka sa calci-plus.. sa obimin nlng talaga every night.. haays kakapagod magsuka araw2..
Magbasa paSame mommy, nag umpisa akong masuka nung 15pcs nalang. Kahit amoy niya di ko gusto. Although amoy chocolate pero nasusuka talaga ako. Dumating ako sa point na pag umiinom tinatakpan ilong ko. Tas sinasabayan ko maraming tubig para di ko malasahan. Kasi sinusuka ko talaga, pero kailangan e take. Inubos ko pa din 30pcs. 3months preggy here
Magbasa paAko calciumade sa Umaga,hemarate FA sa tanghali at Yang Obimin sa Gabi.Tenatake ko sya right after dinner tapos kailangan may makain akong candy or something para lang dko malasahan kc may time na nasusuka Ako pagnainom Kona.Tiis tiis lng Mi para Kay baby.
same tyo momsh.. suoer nasusuka ako jan.. kaya sinabi ko sa Ob ko, pinastop nya muna ako niyan pinalitan nya muna ng vitamin b complex pra mabawasan pagsusuka ko, after ko sa stage maglihi balik obimin na ulit ako hnggang 3rd trimester na..
same here obimin din. pero base naman sa content ng capsule mas mataas kasi yung folic acid. then si folic acid ang reason bat may pagsusuka after inumin. tho nakakasuka talaga better take nung meds after meal.
ako po minsan lang pero nung kagabi talaga halos lahat ng organs ko gusto ng isuka tas sobrang isim at ang pait nya na tipong ang tagal matanggal ng asim sa lalamunan ko kaya nagcandy ako hanggang sa makatulog.
Hindi Obimin yung sa akin pero same effects after ko inumin kaya hininto ko muna. Ang hirap pag araw-araw mo siyang iinumin. same din dun sa Calcium. 🤢
Hi mhie my advice is inumin mo right after kumain… I had an exp before na walang laman tyan ko, ininum ko sya, ang pangita ng suka ko.
Thank you po sa mga nag comment dito mga mommy. pinalitan na po yung vitamins ko ng ONIMA . God bless po sa inyong lahat mga mommy ❤️