Rashes ni baby
Hello po mGa mommy patulong naman po ano po ba ang Gamot or pwedeng ilagay sa Rashes ni baby sa pwet nya.. Lagi ko naman pinapalitan agad ng diaper pero bakit lalo padin mapula. Help naman po ang hapdi napo sigurado nyan sure sobrang pula na kase.. Dapat ko din ba palitan diaper ni baby?. salamat po sa sasagot..
naku mami pahinga muna sa diaper at kung pwde wag rin gumamit ng wipes, tyagaan mo muna cotton at warm water pang linis sa poops, lagyan din ng drapolene .. ang hapdi nyan at makati pag naiihi c baby kawawa.
magcloth diaper po kau, lampin puede na po pansamntala iwas rashes po or un cloth diaper po na nbibili medyo pricey lng po at mkktipid pa kc di na po kau bibili ng diaper at paulit-ulit pa magagamit ni baby
Try Tiny Buds In a Rash po. Baka di hiyang o comfortable si baby sa diaper nya. Try using cloth diaper or other disposable diaper brands. Make sure dry palagi ang area before actually putting a new diaper.
Calmoseptine sis effective. Wag mo muna sya idiaper hanggat di gumagaling. Lampin lang palit agad kada ihi and pahanginan mo din perianal area nya tyagain mo na sis kawawa naman si baby angsakit nian 😥
mommyy sakit po nyan lalo na pag umiihi si baby😢 palitan nyo po diaper nya. wag gumamit ng wipes. warm water and cotton po . meron dn pong mabibili pang rashes. safe for babies po. tint buds IN A RASH
eto sis.. make sure bago mo iapply malinis ung area na papahiran mo yang may mga red marks sa pwet ni baby tapos tuyuin mong mabuti ang pwet ni baby ng malinis na towel then saka mo iapply yung ointment.
Try mo din momi palitan ung diaper or magclassic lampin ka muna para palit muna agad.. Ganyan ng yari sa pamangkin ko.. Mahirap at matrabaho magpalit gang mawala lng ung rushes para d mababad ung pwet nia..
drapolene cream po try nyo,ganyan tnuro sakn mga katrabaho q na nurses wag daw petrolium jelly. hnd q n dn cnusuotan ng diaper baby q lalo tanghali na mainit minsan nga pati pants wala hehe
Tinybuds in a rash or Tinybuds rice powder, yan nilalagay ko sa bumbum ni baby so far okay naman. saka baka di rin hiyang baby mo sa diaper niya. Air dry mo muna bago ka maglagay ng diaper.
ang sakit nyan momsh. kawawa naman c baby. try calmoseptine ointment or drapolene cream po. make sure dry area before applying po then magchange na kau diaper. clothlike diaper mas ok.