Milk for babies
Hello po mga mommy. Nagkukulang na kasi talaga ako sa supply ng gatas for baby. Yung boobs ko po kasi hindi crowned gaya ng ibang mommies. Kailangan ko pang gumamit ng nipple shield. Nagpupump po ako most of the time para kay baby. At first po madami po talagang milk ang naproproduce ko. Pero nung nag 1 month si baby, naglack na po ng supply. Nung isang araw, maliit nalang talaga yung napump ko kaya pinalatch ko muna si baby. Tapos po waray na talagang lumalabas and naiirita na yung baby ko po. Ano po ba yung magandang gawin? Or ano po ba yung marerecommend niyong formula milk for baby? Similac or NAN? Thank you po sa sasagot.