tahi

hello po mga mommy's ☺️ bago ko palang po kakapangnak oct 31 at naka poop napo ako nung nov 2 ngayon po parang feeling ko magiging matigas pagpoop ko ano po kaya mabilis pampalambot ng poop mga moms kasi minsan halos hindi ako makaupo ng maayos at medyo hindi makatulog dahil po sa tahi kong nararamdaman ayoko naman po ng ganun kasi ako po nagaalaga kay baby gusto kopo komportable ako para masarap sa pakiramdam magalaga atsaka po pala mga mommy ilang linggo poba gumagaling ang tahi ??

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi... Normal lang po un... Aq din halos 3weeks ko tiniis un sakit at hirap sa pag poops at kahit pag ehe... Mahirap din mangiyakngiyak nga aq lagi tuwing poops.. ung regarding sa tahi.. mga 2weeks lang po nawwala na ung sinulid... 1 month plang din mula ng nanganak aq..

Mami very the same here kalbaryo talaga pag poop halos iiyak na ako masakit kasi. Best way? Uminom ka ng dulcolax one tablet lang tapos madaming tubig. After ilang minutes lang mag popoop kana pero malambot na yan. Nagpapalambot kasi ng poop ang dulcolax

Senokot sis, super effective. Walang pain ang pag poop, pero make sure na busog ka talaga pag nag take ka non. Yung marami kang nakain.. 2 tabs at bed time. Yan ang nireseta sa akin ng ob ko. Kinabukasan, poop talaga agad ako nung umaga.

VIP Member

same here 😅 nakakatakot mag poops baka kasi bumuka yung tahi, kain kalang ng maraming gulay and more water sis, and samahan mo ng yakult nakakatulong din yun, pwede din kaon ka ng papaya, or pinya, fiber yun maganda pampa poops

Gnyan din po naexperience ko. Selecta full cream milk po try nyo. Magiging malambot po poops nyo pero pabalik2 po kayo sa cr para jumebs kase. Ung para pong ngdiarrhea ka kase feeling mo tlga lahat ng naipong jebs nailabas mo na.

Ripe papaya, more water, oatmeal, wag lang muna kumain ng mahirap i digest. Partner ko po iyak ng iyak kasi 5 days na di nakakapopo. Nag suppository na lang sya tapos light meals lang and more water. Nag quantumine din po sya.

VIP Member

Try mo mag-yogurt sis. Kumaen ako nun kinagabihan napoop na ko, sarap sa feeling. Ung sa tahi nman ngaun mejo magaling na, nung nov.1 ako nanganak. Hugas ka lang ng betadine femwash atleast 3x a day

Water lang po, tas kain ka ng papaya at more on green leafy vegetables para pampalambot. Dapat minimal lang yung rice or much better puro fiber yung kainin mo para smooth lang yung bowel movement.

Pwede ka mg Senokot. Med na nbibili sa mercury. Pampalambot sya tlga ng poop. Effective, dmo na kelangan umire. Kaht once a day mo lang sya inumin.

VIP Member

Try mo din mag Birch Tree na gatas mamsh. High in fiber sya kaya nakaka help magpalambot ng poop. Yun lang iniinom ko kaya medyo malambot poop ko. 😅