baka ma overdue

hello po mga mommies, worried napo ako kasi based sa unang ultrasound ko po ay january 15 ang edd ko tapos yung pangalawang ultrasound ko po ay january 7 (actually po I'm not sure sa naibigay kong date sa unang araw ng huling regla ko kasi hindi po ako sure kaya ang sabi ko nalamg ay april 8, malapit sa date kung kailan ako natapos magkaroon), hanggang ngayon hindi pa po ako nanganganak 40 weeks na ako, natatakot na kami baka maka poop si baby sa loob, active naman s'ya sa tummy ko at ramdam kong naka cephalic s'ya, nagtetake rin po ako nang primrose at naglalakad palagi, mababa napo yung tiyan ko at huling ie sakin ay 3cm palang ako, help po okay lang ba na madelay ako? any tips lang po huhu gusto ko na manganak, natatakot napo ako baka mapano si baby sa loob, magpapa ultrasound po ako bukas para i check si baby kung okay paba s'ya sa loob ng tummy ko at kung okay paba ang amniotic fluid ko, pa help naman po first time ko palang po๐Ÿ˜“

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lalabas narin yan si baby bibiglaain ka niyan mi , ganyan din ako unang ultra sound ko nov. 24 pangalawang ultra sound ko nov. 29 grabi din kaba ko , nakaka overthink talaga kasi baka ma over due ako lalo na nung hindi pa ako nakakapanganak ng nov. 24 mahigit ayun awa po ng diyos nov. 28 ako nanganak ๐Ÿ˜… 40weeks and 2days akoooo nag punta ako hospital dapat po mag papa ie lang ako pag dating ko hospital sumakit tiyan ko ayun manganganak na pala akooo ๐Ÿ˜…

Magbasa pa
20h ago

nakaramdam ako ng mejo pananakit ng tiyan ko , pero hindi ko ininda kasi normal na sakin yung araw araw na ganon kaya parang wala lang tas pag dating ko hospital yung mejo sumasakit na tiyan ko nag derederetso tas unti unting sumakit ng sobra

same mi , hindi rin ako sure sa exact date ng regla ko kaya sabi ku april 8 din kaya jan 15 due date ko base sa regla ko , Hanggang wala pang sign of labor umiimom din ako ng primrose 3cm din ako tyka malambot na daw cervix ko.

20h ago

pareho po pala tayo, gusto ko na manganak kasi anong petsa na ngayon, kinakabahan na ako ๐Ÿ˜