Hi mommy. Ang Balsamo Carminativo po ay medication or treatment para sa mga tummy problems tulad ng pagtatae at kabag. Hindi po ito vitamins na okay lang araw-arawin. May certain dosage lang po na pwedeng ipainom. Kasama po sa side effect nito ay ang pagkawala ng malay. Pa-consult po muna kayo bago magpainom ng kung ano-ano kay baby. Baka po kasi akala ng in laws ninyo ay nakakahimbing ito ng tulog pero lagi lang palang nawawalan ng malay o nahihimatay si baby dahil sa overdose. Mas magtiwala tayo sa Pedia. Hindi valid lahat ng sinasabi ng mga matatanda. Goodluck mommy. Sana okay lang si baby.