...

3months na po baby ko ngayon ko lang narinig sa lola ko yung Balsamo Carminativo kung pinapainom ko daw si baby. Question: Pwede ko po bang painumin ng Balsama Carminativo si baby ko? At ilang ml po?

...
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Highly recommended yan ng mga matatanda kasi subok na tlga. Ayoko pa painumin nyan dati si baby ko kasi d ako familiar. Pinili ko Restime n recommended ni Pedia. Kabagin baby ko. Hindi nya hiyang ang Restime. Lagi xa sumusuka after 2 seconds na nilunok na nya. I did a lot of research about Balsamo. Googled it and asked lahat ng kakilala ko na may mga anak kung nagamit din ba nila and was surprised to know na madami pla sa knila gjnamit amg Balsamo Carminativo. Satisfied sila sa effectiveness and said na safe xa tlga. So finally, I gave it a try. Ayun tanggal kabag ni baby ko at ang sarap ng tulog nya. 0.5 mL binibigay ko sa baby ko. Hindi q araw araw na pinainom sa knya. Pag lang kinakabag xa. Nawala pagiging kabagin ni baby ko. Ni hindi man nya nakalahati ung bottle. Ang mga pediatricians lagi nila nire recommend is Restime. I think kumporme din if hiyang ni baby. By the way, I bought Balsamo Carminativo sa Mercury Drugstore.

Magbasa pa

Baby ko wala akong pinainum n kahit ano para sa kabag after nya kasi uminum ng gatas binubuhat ko sya para mapadighay afternun sk ko sya ihihiga uli ky masarap n ang tulog nya in that way never ko p sya nakita pating lumungad...mas maganda kasi ang nature way at their young age mahirap n kung ano ano agad ang gamit na tinetake nila🥰

Magbasa pa

Pacheck up mo muna ..Kasi ung baby ko dati 3mos sya ..madalas umiyak SA pahapon naabit NG 3hours dahil SA kabag ..pinainom ko di ako consult SA pedia ..magdamag nag tae at magdamag din Ang iyak ..sinugod namin SA hospital Kasi panay Ang dumi. Natakot ako Kaya simula nun Dina ko nagpapainom Basta Basta ..

Magbasa pa

Pls no...kawawa naman ang bata alam nyo po ba ang mga side effects nyan...bakit kailangan painumin kung wala naman nararamdaman? And mga professionala lang dapat ang dapat tanungin natin pag dating sa mga pinapainom sa mga bata lalo na hindi pa ganun ka mature mga organs.

VIP Member

anti-flatulent yan mamsh..kuntra kabag..yan yung pinapainum ng mama ko sa baby ko..effective naman sia mamsh..hindi kase hiyang kay baby yung restime..0.3ml yung pinapainum ko sa kanya..nilalagyan ko ng milk kase meju may menthol ang balsamo..

Ang alam ko para sa kabag yan. Pero di ko gumamit ng ganyan sa panganay ko. Ginagawa ko tinatayo ko sya nilalapat ko sa bakikat ko ung tiyan nya or hinihikot hikot ko tiyan nya hanggang sa marinig ko na umutot nya sya😊

VIP Member

Wag po painumin ng kahit anong gamot ang baby ng walang clearance ng pedia. Kahit pa po kasabihan ng matatanda. Dun po tayo sa safe.

Sabi ng pedia ko hindi siya adviseable kasi ang ginagawa niyanis patulugin si baby para marelief yung pain. Para siyang sleeping pills pang baby. Brain ang tama niya.

mag ask muna po kayo sa pedia nyo bago nyo po painumin ng kahit ano yang baby nyo po ^_^ hindi po kasi basta basta pinapainom yan.. mahirap na po..

try massaging your baby's tummy nalang. ganon alng ginagawa ko tapos gamit kong oil yung calm tummies ng tiny buds and effective naman.