Breastfeed
Hello po mga mommies, tanong ko lang po kung paano po ginawa nyo para mapatigil na toddler nyo sa pag bf kasi po ako di ko alam gagawin ko. Hindi po kasi mahilig sa gatas na kahit ano yung toddler ko po kahit chocolate flavor na po. Gustong gusto ko na po kasi talaga sya maawat at matuto na sana sa formula. Nagkakasugat na din po kasi niple ko tsaka para po makapag work din po ako thankyou po #firsttimemom #BFmom #toddlermom

Hello. Palitan niyo po yung breastfeeding session niya ng bottle or kung prefer niyo cup. Example every morning pagkagising i-bottle na siya. At first magta-tantrums po yan, ilapag niyo po yung milk sa madali niyang makita at maabot, pakalmahin niyo lang po tapos pagkalmado na, i-offer ulit. Consistency po ang kailangan at huwag po kayo bibigay. Normal lang mag tantrums sila, explain niyo lang din sakaniya na mag bottle na kayo from this day on, since toddler na siya nakakaintindi na po yan. Kapag nasanay na sa umaga, next session ulit, hanggang sa mapalitan lahat ng breastfeeding session ng bottled milk.
Magbasa pa