Mga mamshies!

Hello po mga mommies! Tanong ko lang po kung normal lang po ang ihi ng ihi, mag 4 months na po akong pregnant. Halos maya't-maya na po akong umiihi kahit minsan kakaihi ko, iihi naman. Hehe sabi po kase ng biyenan ko, di daw po normal at maliit pa naman daw po ang tiyan ko. At medyo nasakit ang puson ko sa bandang kaliwa po. May nakakaranas din po ba sa inyo ng ganyan? Thankyou po sa mga sasagot. #1stimemom #advicepls

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naranasan ko na din yan ngayon 4months na ang tyan ko, panay din ako ihi pero umiinom din ako ng tubig pagkatapos umihi. Yung pananakit ng puson mo left side try to consult your ob kasi ako nung sumasakit puson ko sa right side naman may UTI ako. Now magaling na at minsan ko nalang maranasan yung sakit.

Magbasa pa
VIP Member

Ever since nalaman ko pong buntis ako, di na din talaga ako nalayo sa banyo sis. Hehehe. Normal naman po ata basta walang ibang naffeel na discomfort.

2y ago

natural lng po yan sa buntis na ihi ng ihi ...basta po pag iihi po kayo inom ulit kayo ng tubig pra napapalitan po ....kc ako po subrang ihi ng ihi ko di ako nainom ng tubig ....kya nagpacheck up ako non ...tpos pinapaultrasound ako ng ob ko ..bumamaba ung panubigan ko po...kya sbi akin ng ob ko inom lng dw ng tubig pra madagdagan daw po habang ilang months plang c baby .......at iwan uti narin po.......

same po. nakakapagod magpa uli uli sa c.r tapos laging maghuhugas ng harap. lalo na po at minsan ay inaantok ka na po biglang maiihi.

Normal naman po ito Mommy esp pag mejo lumalaki na ang tiyan mo and sumisipa si Baby. Sakin madalas sa gabi kaya hirap din matulog.

normal lang mamsh. Ako pa 4 months, napapagod Ako pabalikbalik sa Cr para umihi. Minsan sa Gabi nagising din Ako para umihi

Momshie try to consult your ob, nagpa urinary test kna po ba? Baka kac may u.t.i ka lang, madalas kc yan sa mga preggy moms

2y ago

hindi pa po, sa 21 pa po e. At wala pa pong budget para isahan na po ang lahat na laboratory ko hehe

normal lng po, Lalo na pag lumalaki na tiyan natin