Mga mamshies!

Hello po mga mommies! Tanong ko lang po kung normal lang po ang ihi ng ihi, mag 4 months na po akong pregnant. Halos maya't-maya na po akong umiihi kahit minsan kakaihi ko, iihi naman. Hehe sabi po kase ng biyenan ko, di daw po normal at maliit pa naman daw po ang tiyan ko. At medyo nasakit ang puson ko sa bandang kaliwa po. May nakakaranas din po ba sa inyo ng ganyan? Thankyou po sa mga sasagot. #1stimemom #advicepls

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naranasan ko na din yan ngayon 4months na ang tyan ko, panay din ako ihi pero umiinom din ako ng tubig pagkatapos umihi. Yung pananakit ng puson mo left side try to consult your ob kasi ako nung sumasakit puson ko sa right side naman may UTI ako. Now magaling na at minsan ko nalang maranasan yung sakit.

Magbasa pa