2.2 kilograms feb 26, 2023
Hello po mga mommies sino po sa inyo yung nanganak na 2.2 lang po ang baby? nag worry po kasi ako mag 1 month na po baby ko pero parang ang liit padin nya, di din kasi sya makadede sakin kaya nag pump lang ako at sinasalin ko lang sa bote pano po kaya sya mabilis lalaki?

Hala mii akala ko baby ko. Magkamukha sila. Hehe. Same din sila ng birth weight na 2.2kg. Nagstay siya nun sa hospital ng 1 week at pinagformula siya tapos after a week naging 3kg siya. Pagkauwi niya pure breastfeed na siya tapos nung 1 month na siya 3.2kg siya which is ang konti lang ng itinaas. Worried kami ng pedia niya kaya pinag heraclene siya at virgin coconut oil. Parehong hinahalo yun sa mill kaya need magpump pa. Sa ngayon di ko pa din sure kung lumalaki or bumibigat siya. Update tayo mi sa mga baby natin.
Magbasa pa

