Subchorionic hemorrhage

Hello po mga mommies sino po dito naka experience ng Subchorionic hemorrhage sa first trimester tapos nag aalaga ng anak, Ako kasi nag aalaga pa ako sa panganay ko 2y/o pero may iniinom na ako pang pakapit ask ko lang po posible ba gumaling ang hemorrhage ko kahit nag aalaga padin po? tia☺️

Subchorionic hemorrhage
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganan din po ako mas malaki pa yun subchorionic hemorrhage ko nun 6w and 5 days 4.73cc with vaginal bleeding sya tpos nag bedrest ako ng 18 days at nag take ng 2 weeks duphaston and vaginal suppository tpos next ultrasound nung 10 weeks na naging 5.55cc pero wala ng bleeding bumalik n ko sa work tpos nag take ako 3 weeks ng duvadilan ngayon ok na di na ako nagbbleed ulit, waiting n lng ng next sched sa ob,sana mawala n rin ng tuluyan un hemorrhage ko at ikaw din sana mommy maging ok pregnancy mo

Magbasa pa
4y ago

sana nga po mamsh gumaling kana din kaso naman wala ako maaasahan sa pag alaga sa anak ko dahil ang papa nya nsa abroad, pero diko nman sya binubuhat at hinahabol wala din ako bleeding pag may time ako lagi ako humihiga habang nag lalaro sya ng toys at nanunuod ng yt, ang ginagawa ko lng sa kanya papaligo, pinapakain sabay kami , mag huhugas ng kinainan namin tapos ayun pahinga na ako pag may time uli paglalaruin ko sya sa tabi ko, sana gumaling na tayo mamsh kahit nakilos konti