Embryonic demise

Hello po mga mommies, sana po mapansin. Baka po meron ditong kagaya ng case ko. Running 8 weeks na po sana ang pregnancy ko itong week na ito. Ang kwento ko po isa last Aug.16, 6 weeks nun ang pinagbubuntis ko base sa tvs and nakita naman na may heartbeat na sya kaso hindi daw po maganda. May possiblity na malaglag kaya po after makita ng result ng tvs ko, inadvise ako ni ob na mag bedrest and niresetahan po ako ng pampakapit(heragest) pinapasok po sya sa keps. Kahapon po Aug.26 pinabalik ako ni ob for check up ulit. And yun na nga po nakita na wala ng heartbeat and hindi nag progress yung laki sana ng baby. Dapat po iaadmit na ako today para iraspa kaya lang po hindi ako bumalik. Wala din po kasi akong nararamdaman na hindi maganda sa katawan or kahit sa pagbubuntis ko. No spotting or heavy bleeding at all. Kaya hoping pa din ako na baka na misdiagnosed lang or baka maaga pa para makita or marinig ang heartbeat. Nagpa tvs po ulit ako kanina pero wala din nakitang heartbeat. Kaya lang po nagkaroon na ng heartbeat noong una nung 6 weeks palang tapos nawala ngayon. Wala na po ba or wala na kaya talagang chance pag ganun? Talagang considered as demise na kaya baby pag ganun? Or could it be possible na pwedeng may heartbeat nung una tapos a week after nawala then a week or 2 baka naman meron talaga??? Sana po may makapansin at makasagot. THANK YOU PO!!!

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang HB po dapat consistent, tulad naten na mga adult na diba hindi naman tyo pwede mawalan ng HB then the next day or weeks magkakaroon po ulit? same lang din yan sa embryo/fetus, kung nung una nakita na may HB then pag balik mo biglang nawala, may naging problem po. lalo na sinabi po nung una na may HB pero hindi maganda ung HB, dapat tinanong nyo po kung ilan ba ung HB nya that time para masabi ni OB na Hindi maganda. Yung sinasabi nyo po kase baka too early palang na baka after 2weeks magkaroon, possible po yun sa mga nagpa transv pero Sac lang ang nakita nung una at pinapabalik after 2weeks para makita ung viability. kaso sa case nyo po nakita na agad na meron at 6wks then nawala. Opinion lang po sundin nyo po sinasabi ng OB baka kase pag di naalis totally sa katawan nyo kayo po ang magkaroon ng infection.

Magbasa pa