Vitamins lapses

Hello po mga mommies out there👋 tanong ko lang po. Okay lang po ba na pahinto hinto yung pag take ng vitamins? Kasi po like minsan si hubby maliit lang yung sahod and kasya lang sa everyday's need di na po nakakabili ng vitamins. Minsan naman po if malaki yung income nakakabili naman po siya tapos medyo marami na po para daw mabawi yung mga araw na di ako nakainom. Worried lang po ako, di naman po ba makaka apekto sa growth ni baby yung mga lapses na di ko nainuman ng vitamins? Currently 25 weeks po. Salamat po sa mga sasagot God bless! #1stimemom

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lapit Po kau sa barangy health center. may mga free pong vitamins at pti Po ung mga anti tenatus may mga ganun Po doon. or sna Po may tanim Po kau jaang mga malunggay, alugbati, ung mga gulay na pwedeng maitanim sa bakod, mura at masustansya.

3y ago

I see. I suggest ung mga mura pero masustansyang gulay at prutas na lng Po gaya ng mangga, dalandan, malunggay, alugbati, sitaw, kalabasa, etc. pra kht papaano Po e may makukuhanan ng nutrients.