Vitamins lapses

Hello po mga mommies out there👋 tanong ko lang po. Okay lang po ba na pahinto hinto yung pag take ng vitamins? Kasi po like minsan si hubby maliit lang yung sahod and kasya lang sa everyday's need di na po nakakabili ng vitamins. Minsan naman po if malaki yung income nakakabili naman po siya tapos medyo marami na po para daw mabawi yung mga araw na di ako nakainom. Worried lang po ako, di naman po ba makaka apekto sa growth ni baby yung mga lapses na di ko nainuman ng vitamins? Currently 25 weeks po. Salamat po sa mga sasagot God bless! #1stimemom

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy sa health center po meron multivitamins, iron plus folic and calcium po pa record kayo dun laking matitipid nyo po ako oo may work pa nagiging praktikal lang po ako, kahit may budget ako kasi mahal talaga mga nirereseta kaya i 4th month ko po talaga ayown galing health center na iniinom ko.

3y ago

Sa health center po ako nagpapa check up, free consultation po kaso po wala po silang binibigay na free vitamins e. Tapos every pa check up po may mga laboratory request pa po sila. Mas inuuna po kasi namin yung laboratory (medyo pricey rin po kasi) kaya po nangyayare wala ng natitira for vitamins po. Pero pag naka L na L naman po bumibili na rin po hubby ko ng maramihan kaya nakakapag take rin po ako kahit papano yun nga lang po pahinto hinto po. Pero dahil nga po wala akong vitamins binabawi ko na lang po sa mga gulay and prutas kasi po sa may bukid nag tatrabaho mister ko and minsan po pag nauwi siya may mga bitbit siyang gulay at prutas na bigay ng amo nya.