18 Replies
ako din pahinto hinto ng pag take ng vitamins kahit meron na ako nabili, minsan talaga nakakalimot or sa case mo need ibudget ang daily needs at vitamins.. Bawiin mo nalang sa healty foods mi, at iwas sa mga stress at lalo na sa makalanghap ng usok ng sigarilyo kasi yun ang makakasama kay baby. Hindi naman ibig sabihin na hindi ka nakainom ng vitamins ay magkaka deperensya na si baby, nasa genes yan at lifestyle ni mommy.
mommy sa health center po meron multivitamins, iron plus folic and calcium po pa record kayo dun laking matitipid nyo po ako oo may work pa nagiging praktikal lang po ako, kahit may budget ako kasi mahal talaga mga nirereseta kaya i 4th month ko po talaga ayown galing health center na iniinom ko.
Sa health center po ako nagpapa check up, free consultation po kaso po wala po silang binibigay na free vitamins e. Tapos every pa check up po may mga laboratory request pa po sila. Mas inuuna po kasi namin yung laboratory (medyo pricey rin po kasi) kaya po nangyayare wala ng natitira for vitamins po. Pero pag naka L na L naman po bumibili na rin po hubby ko ng maramihan kaya nakakapag take rin po ako kahit papano yun nga lang po pahinto hinto po. Pero dahil nga po wala akong vitamins binabawi ko na lang po sa mga gulay and prutas kasi po sa may bukid nag tatrabaho mister ko and minsan po pag nauwi siya may mga bitbit siyang gulay at prutas na bigay ng amo nya.
Ako din pahinto hinto kase madalas ako sikmurain at masuka sa mga vitamins. Sinabi ko na dn sa OB ko yun and sabi nya okey lng naman daw basta bawiin sa healthy foods pero yung folic acid wag daw kakalimutan kase importante daw po sa lahat yun ♥️
lapit Po kau sa barangy health center. may mga free pong vitamins at pti Po ung mga anti tenatus may mga ganun Po doon. or sna Po may tanim Po kau jaang mga malunggay, alugbati, ung mga gulay na pwedeng maitanim sa bakod, mura at masustansya.
I see. I suggest ung mga mura pero masustansyang gulay at prutas na lng Po gaya ng mangga, dalandan, malunggay, alugbati, sitaw, kalabasa, etc. pra kht papaano Po e may makukuhanan ng nutrients.
hmm baka pwede ka makahingi sa center? libre po don ang vitamins e..para kht maliit sweldo ni hubby makaka inom ka pa din ng vitamins. And sana po healthy food po kankaen mo kse wala po kayong vitamins.
ako po talagang umiinom ng vitamins pag walang pera foralivit yung tag 4 pesos pag may pera unmum pagwala talaga mag uulam nalang ng masustansyang gulay para Kahit papano may sustansya
I understand mi dahil sa hirap nga ng buhay ngayon. Okay lang naman basta make sure nakakakain kayo ng healthy diet. More on veg and fruits sana mi. And complete sleep.
Opo binabawi ko na lang po sa pagkain ng healthy
ako din currently at 17 weeks close to 18 weeks tumigil ako mag vitamins lalo kasi sumasama pakiramdam ko if naka inom ako bawi nalang sa pagkain.
Basta mag gulay prutas ka mi magiging okay si baby need nya ng sufficient nutrients kahit na di ka lagi nakakainom basta healthy kinakain mo
Mahirap po kasi pahinto hinto lalo na po d kayo nakakain ng masustansya…prone po ang bata sa abnormality
Di naman mi. May ibang buntis nga hindi naman nakainom ni isang beses dahil di sila aware na buntis sila pero ok naman si baby. Yes to eating healthy pero di ibig sabihin pag di nakainom ng vitamins prone na sa abnormality. Madaming factors ang abnormality sa baby mi like genes, etc. wag na po natin ipag worry yung nag post.
Maria Denise Añunuevo