3 Replies
Tinybuds for laundry detergent, fab con amd bottle washer. Cetaphil for bath wash. Bili ka lang muna ng maliit, check first if maging okay sa baby mo. Sa diaper, depende po. Hiyangan kasi but you can try pampers or huggies. Konti muna bilhin mo for each brand and see saan hihiyang baby mo. Bottles, best po ang philips avent pero pricey. You can just go buy any bottles basta BPA free. Pigeon and Farlin are affordable brands na magansa rin ang quality. Sterilizer, philips avent if may budget ka but for me I just bought the Looney Tunes kasi mas mura and same lang naman din na maganda quality. Sa Looney tunes din akk bumili ng bottles para partner sa sterilizer. Clothes and blankets, Enfant po maganda pero pricey so buy ka lang siguro ng ilang piraso ung dadalhin sa hospital then the rest, Lucky CJ na lang. I bougth my blankets sa Enfant then clothes ni baby sa New Baby and ung mga pambahay, sa online seller na nagtitinda ng Lucky CJ. Alcohol, baby oil, mansanilya and cotton, any brand pwede naman. Pero if you want XL cottonballs buy ka sa Orange and Peach. As for baby wipes, pwede na rin Enfant bilhin mo kasi gagamitin mo lang yan paglalabas kau ni baby. Pag nasa bahay, magcotton ka na lang para mas tipid po. Crib and stroller, mag invest ka dito kasi your baby will use it until 2 years old or so. If may budget ka, go for Chicco or Joie. Sobrang tibay ng mga yan, kahit dekada dumaan, maganda pa rin ung quality. If wala namang budget, try Phoenix Hub not sure lang gaano katibay. Mas okay din sana if personal mo bibilhin to to see na rin kung mukhang matibay.
Cetaphil baby wash & lotion, huggies diaper, cherub baby wipes, carters clothes like onesies, frogsuit, swaddle, sleep sack etc, wilkins water un n po ata
ganito po ba para sa newborn?
Kyrra Blanco Juarez