Pagsususka

Hi po mga mommies, ask ko lang po normal lang ba yung pagsusuka kasi magfo four months na yung tiyan ko sa april 10 pero suka pa rin ako ng suka. Pero sa 1st born ko hindi ko ito nararanasan.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako starting 8th week until ipapasok na lang ako sa OR for CS suka pa rin ako nang suka. Nawala lang nung lumabas na ung bata. Observe mo ung frequency ng pagsusuka mo. Pag OA na like ung case ko na under 3 hours naka 6 to 7 times ako ng pagsusuka na ang ending dugo na ang sinusuka ko, magsabi ka na agad sa OB mo kasi pwede kayo madehydrate mag-ina. Naconfine ako noon dahil jan.

Magbasa pa