Hello po mga mommies. Ano po kayang problema bakit biglang mas kumonte yung na pupump ko na milk? Hindi po madami gatas ko. Pa 1 month palang po si LO this saturday. Nakaka 2-3oz lang ako per pump nung 1st 2weeks. Mga 3-4x lang ako nagpupump kasi nagdidirect latch sya sakin pero mix feeding pa din po sya. Tapos nung nakaraang linggo (3rd week), nagkaroon ako ng sugat sa nipples kaya nag stop ako mag pump at puro left boob lang sya nag lalatch. Pero pinapalatch ko pa din sya sa right pag tumutulo na gatas ko.
After 3 days, ok na right nipple ko, nag pump na ako ulit pero hindi man lang ako nakaka 1oz every pump. Tinatry ko yung 8x a day na pump pero ganun na talaga output ko. Ano po kayang problema? Eto po yung mga ginagawa at tinitake ko:
•Direct latch from LO
•Pumping (8x a day)
•Natalac (2x a day)
•Vdrink Malunggay Juice
•Pinakuluang Malunggay. Then yung juice nya, hinahaluan ko ng milo. (2-3x a day)
•At least 2L of water a day, inaabot pa po ng 3L
Kumakain din po ako ng mga masasabaw at lahat hinahaluan ko ng malunggay. Pati na rin po shells. Umorder din po ako ng M2 Malunggay Tea Drink online para dumami pa output ko. Effective daw po kasi kaya gusto ko itry.
Pa advice naman po. Gusto ko na po tanggalin yung formula at mag exclusive breastfeeding pati makapag ipon ng stash. Medyo nakakalungkot na kasi. ☹
Anonymous