I need advise from breastfeeding mommies

Hello po mga mommies. Ano po kayang problema bakit biglang mas kumonte yung na pupump ko na milk? Hindi po madami gatas ko. Pa 1 month palang po si LO this saturday. Nakaka 2-3oz lang ako per pump nung 1st 2weeks. Mga 3-4x lang ako nagpupump kasi nagdidirect latch sya sakin pero mix feeding pa din po sya. Tapos nung nakaraang linggo (3rd week), nagkaroon ako ng sugat sa nipples kaya nag stop ako mag pump at puro left boob lang sya nag lalatch. Pero pinapalatch ko pa din sya sa right pag tumutulo na gatas ko. After 3 days, ok na right nipple ko, nag pump na ako ulit pero hindi man lang ako nakaka 1oz every pump. Tinatry ko yung 8x a day na pump pero ganun na talaga output ko. Ano po kayang problema? Eto po yung mga ginagawa at tinitake ko: •Direct latch from LO •Pumping (8x a day) •Natalac (2x a day) •Vdrink Malunggay Juice •Pinakuluang Malunggay. Then yung juice nya, hinahaluan ko ng milo. (2-3x a day) •At least 2L of water a day, inaabot pa po ng 3L Kumakain din po ako ng mga masasabaw at lahat hinahaluan ko ng malunggay. Pati na rin po shells. Umorder din po ako ng M2 Malunggay Tea Drink online para dumami pa output ko. Effective daw po kasi kaya gusto ko itry. Pa advice naman po. Gusto ko na po tanggalin yung formula at mag exclusive breastfeeding pati makapag ipon ng stash. Medyo nakakalungkot na kasi. ☹

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Chill ka Lang sis. Kung nakakatulog si baby habang nakalatch sayo Good sign n Yun n satisfied na siya sa milk mo.. btw nakaka dry up Ng breastmilk Ang stress. Try mo mag pump after mag latch sayo ni baby. Don't worry sa amount na nkukuha mo mas malakas pa rin kasi Ang sucking Ng baby kesa sa pump. .

Magbasa pa
4y ago

Nakakastress nga po lalo na kapag yung mga kasama ko mismo sa bahay pa yung nagsasabi na wala na daw akong gatas ☹

Ok naman ung habit mo mumsh. Gaano ka katagal mag pump? Try mo 10minutes pump, 10 minutes rest then 10 minutes pump. And do u have manual pump? Para habang ngmilk si baby sa isa, ung isang breast mo napump ung letdown

4y ago

15mins pump po then 10 mins rest tapos po 5-10 mins pump ule depende po kapag medyo masakit na. May haakaa rin po akong ginagamit every latch nya po. Ang laki po kasi nung difference ng nacocollect ko before ☹