Pa help naman po mga mommie

Hello po mga mommie tanong ko lang po sa mga. Nag papa breastfeed po dyan okay lang po ba na pag na papump po ako small amount lang nakukuha ko tapos yung milk nilalagay ko po sa feeding bottle then ireref ko po sya. Tapos mag papump ulit po ako yung na pump ko na bago isasalin ko lang po don sa nauna kong na pump na nilagay ko na sa ref . Okay lang po ba yun ? Parang iniipon ko po yung mga milk na napa-pump ko pag napuno ko na yung feeding bottle tsaka ko na sya ilalagay sa freezer. Tama po ba yung ginagawa ko or hindi po. Thankyou po sa sasagot

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang pitcher method po ang ginagawa mo.. marami naman po ang gumagawa nyan. Pero ganito po, halimbawa nakacollect ka ng unang pump mo at nilagay mo na sa ref, yung next pump mo po, wag mo agad imimix sa nauna.. lagay mo lang din muna sya sa ref making sure na same na sila ng temperature bago mo sila imix... mainit pa po kasi ang freshly pumped breastmilk. You can read more about this here po: https://exclusivepumping.com/storing-breast-milk-in-a-pitcher/

Magbasa pa
2y ago

thankyou mami . bali po pag sasamahin sya pag same temperature na po sila. ilang araw po pwede na nakalagay sa ref po bago ilagay sa freezer