Lying in or Public hospital

Hello po mga miee palabas ng sama ng loob 😒😭 nag away kasi kami ng asawa ko October kasi yung labas ng baby ko buo na kasi desisyon ko na umanak sa lying in BTW first baby ko po ito. Mas gusto ko kasi sa lying in bukod sa malapit samin mas panatag loob ko doon at mababait nag aassist , sa public naman natatakot ako kasi bukod sa masusungit na mga nag aassist di ka pa aasikasuhin hanggat di ka nagsusumigaw sa sakit bawal pa bantay nag aalala lang naman ako sa baby ko lalo na wala akong bantay , tyaka di lang isa inaasikaso nila madami din naanak syempre di mo masasabi mga pangyayare, ngayon nagagalit asawa ko bakit daw ayaw ko sa public umanak lalakasan lang daw loob ko mas makakatipid kasi sa public halos wala kana babayaran ,sa lying in naman 8k plus πŸ˜“πŸ˜“ ano susundin ko mga mieee nasstress nako gusto ko lang naman makaraos na BTW ako naman mag babayad ng lahat ng bayarin kasi mag maternity ako kaya gusto ko sana kung san ako komportable ako . 😭😭😭😭😭😭Help me please pa advice naman po mga mieee 😒😒

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ikaw ang masusunod. it will help you. supposedly dapat doon ka manganak kung saan may peace of mind ka sa mga health care providers and OB. papansin yang asawa mo. kakairita. mas inisip pa ang pera kaysa sa mapayapang panganganak mo. bawal ka mastress mom. nadadamay si baby.

3y ago

God bless you mom. pakatatag ka mom. πŸ™πŸ™πŸ™ Pray for your husband also. haaays. sana cinonsider din niya feelings mo. ang pera kinikita ulit yan. pero un sama ng loob ng buntis, ndi nakakalimutan yan

Related Articles