Healthy snacks for pregnant

Hi po mga mi, pa-suggest or pa-share naman po ng mga alam nyong healthy snacks sa buntis, especially sa midnight. Need ko ng madaming suggestion kasi madali ako maumay o masuka pag paulit ulit na. Kaso naguiguilty naman ako pag alam kong hindi healthy for baby kakakinin ko para maalis lang gutom ko sa madaling araw or snacks in between meals. Thank you in advance 🙂

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same. Madali rin ako maumay ngayon preggy halos wala ako gana kainin. I suggest more on fruits po para healthy, avoid sweety foods kasi yun ang malakas makagutom. Lessen your carb intake, malakas po makagutom ang rice. What i usually eat during snacks watermelon, pineapple, avocado, apple, etc and more more water minsan kasi akala natin gutom tayo pero uhaw lang pala.

Magbasa pa
1y ago

Nice, thanks mommy. Yup, nag fruifruits din ako daily. But alanganin lang ako mag eat sa madaling araw ng fruits kasi nangangasim naman ako if fruit lang kinakain ko sa mga ganyang oras. Kaya looking ako ng mga easy to grab snacks na healthy. hihi #StruggleIsReal talaga eh.hehe

Kung may certain cravings ka po kahit na hindi healthy okay lang po yun,kainin niyo kung anong gusto niyo kainin. Wag po kayo magpipigil ng cravings kase mas lalo nakakasama yun sa inyo at kay Baby.

1y ago

Ai ganun ba mi, huhu, minsan nga yun nagagawa ko kaso naguiguilty talaga ako mi na iniisip ko baka may healthier alternative na pwede...

Usually after 6:00 pm di na ko mag rarice para di ako sobrang gutom pag madaling araw na. Ang kinakaen ko nalang Eggnog, oatmeal, skyflakes nuts fruits or milk

1y ago

Ai okay mi, noted po. Thanks sa suggestions, looking forward talaga kasi ako sa mga easy to grab/prepare healthy snacks for midnight.hehe

VIP Member

Fruits and oatmeals

1y ago

Kahit sa madaling araw mi nagfruifruts po kayo? Di naman po kayo nangangasim? ako kasi oo, huhu, acidic ata ksi ko.