Papsmear para luminis.

Hello po mga mamsh. Sana meron na pong naka experience nito. Gusto ko po sana pa papsmear. Kasi sabi nila ag nagpa papsmear ka malaki ang chance na mabuntis ka. Ako po kasi gusto ko ng mabuntis. Nakunan po kasi ako last may 1st baby namin. Ngayon po tatanong ko lang sana kung totoo pu ba yung pag nagpa papsmear ka mabubuntis ka? At ilan days po after menstration magandang pa papsmear para malaki ang chance na mabuntis? Sana po may makasagot🙏 Maraming Salamat po! #respect_post

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie, better to consult OB nalang po kung gusto nio mag buntis. Kami kasi ng asawa ko 1yr mahigit na noon kasal di pa kami nagkaka baby. Hanggang sa nag decide kami na magpa check up kung may problem kami. Wala naman daw. Binigyan nia kami ng pwede namin inumin at advice. Ngayon po mag 16months na ang baby namin. Pa check up ka nalang Mii wag maniwala sa sabi sabi. 😊

Magbasa pa

Yung papsmear po, smear lang so kukuha lang ng sample at checheck yung cervix mo, para sa HPV lalo at sexually active ka or nasa age 40 above kana. Wala pa po akong case na nahandle na ppasmear pero nilinis namin ang matres. D and C po yun o yung raspa. i think better na magpacheck ka po sa OB kasi sya naman po ang magsasabi nun sayo.

Magbasa pa

iyong papsmear po test lang siya to screen ng mga sakit like cervical cancer. baka ibig niyo po sabihin raspa, sabi nga daw mabilis mabuntis pag naraspa kasi malinis daw matres.. better po na kumunsulta ng OB para mas acccurate info po and recommendation po makuha niyo

VIP Member

Nope not true. Kumukuha lang ng onting specimen sa cervix para malaman kung may infection. Hindi sya hanggang uterus mi. Di lilinis pag nag papsmear ka. Di din po totoo na mabubuntis agad pag nagpa ganon. Mas maigi magpaalaga po sa ob para makatulong sa pag bubuntis

Nd po ba kayo niraspa nung nakunan po kayo mii,.. Kz po aq nung nkunan niraspa po ako at after 5 months nabuntis po ako ulit.. Now 30 weeks and 1day npo kmi ni baby.. Excited n makita c baby 😊👶 Consult nio po ky ob mu..

2y ago

opo nakaraos na ako panqanqanak pero yunq maga sa pisngi ng pepe ko di parin na galing kaka eri ko daw kasi yun at kaka ie sakin🤧

papsmear po di anman sya nakaka linis, baka po raspa?,. kasi ung papsmear parang kukuhanan kalang ng sample na i tetest nila,. at don makikita kung me abnormalities or cancerous etc.. nag papsmear na po ako twice

take folic acid everyday thats what i did 14yrs old na ung anak ko ngayun lang nasundan nag take ako nang foloc acid at partner ko pina take ko nang centrum sabay kami umiinum. everyday.

papsmear po is only a test para macheck ang statua ng cervix nyo if may infection or kung wala bang cancerous tissue.. isa lang po to sa mga requirements if you consult fertility doctor.

Try mopo mag pahilot baka mababa matres mo ako kasi hinilot ko sarili ko den after 1 week ng pag kahilot ko buntis nako ngayon 🥰❤️

hindi po nakakalinis ng matres ang papsmear. test po iyon if may something sa loob ng matres mo.

Related Articles