39 Replies
Hala mamii, advise ko lang is yung tubig ni baby kahit distilled pakuluan nyo parin, yung mga bote if di sya BF, pakuluan din sterilized, yung mga bedsheet,higaan nya sana dapat laging napapalitan kasi ganyang edad, mahilig lumapa ng kumot at higaan, yung mga bagay na nakapaligid sa kanya po is sana laging malinis. kasama na kayo dun mii at dii. mag alcohol palagi,. For me, malaking impact ang pandemic sakin naging aware ako at malaking tulong ito sakin pagdating sa health at kalinisan ni baby. nilimit ko ang mga taong pwede nya kasama, laging may alcohol, at sinisiguro ko laging malinis ang mga gamit nya. hanggang sa naging practice na namin kahit masasabi na maluwag na sa panahon ngayon, ganun parin kami. di naman sa pag aarte pero hindi nagkaroon ng ganyan ang anak ko, nagkasakit din naman po sya at may times na nagpa lab tests kami ng stool nya pero no parasite seen lagi sa mga results. ang sinasabi ng mga matatanda eh, nag ngingipin lang kaya nagtatae or tumatamlay sya. prevention is the key po. as of now, si pedia ang makakatulong po sa inyo para mawala ang bulate na yan. di lang po nagiisa mamii, may barkada yan sa loob kaya kailangan yan ilabas. napaka aga pa po para magkaroon sya ng bulate.
ipacheck up niyo na po yan mommy. medtech po ako at hindi po safe na mag pass sa stool/dumi ni baby ang ganyan kalaking bulate. aagawan niya sa nutrients si baby at delikado rin para sa iba niyang organs. please po make sure na palaging malinis ang mga humahawak kay baby. baka madumi ang kamay okaya naman ay baka may lupa po malapit sa paligid niyo, at baka na kain ni baby ang microscopic o maliliit na itlog ng bulati na hindi po nakikita ng mata. pakiusapan niyo po mga tao sa paligid na maging malinis palagi, at ilayo niyo po ang mga pets na maaring may bulati rin na pwedeng mag dala ng sakit sa baby. check up na agad agad mommy ASAP
okay napo, napaconsult kona po sa pedia nya, since 5 mos palang daw po, dipa pedeng magtake ng pampurga, 6 mos lang daw po ang pede more sterelizes nalang daw po lahat ng mga gamit ni baby lalo na yung mga sinusubo kase po di po porket malinis na sa paningin natin ay feeling natin okay na dahil may mga microorganism po sa mga gamit ng mga baby natin na hindi nakikita through naked eye na pedeng mapagkunan ng sakit. thankyouu mga mommies sa good suggestion at advise and to those people na feeling perfectionist kala mo mga walan ding pagkukulang sa mga anak nila, yaan nyo po di po ako magtatanim ng sama ng loob sa inyo ipagpapasalamat kopadin po yung mga sinabi nyo. labyuu all keepsafe po sa inyo at sa mga baby nyo♥️
hello mommy! pareho po tayon ftm. advice ko lang po ito kasi ganito kami nung first month ni baby, di alam ang gagawin. 😅. kung may unusual kay baby, dalhin na po agad sa pedia. lalo na kung walang mapagtatanungan na malapit sa inyo na reliable para makakuha agad ng sagot. sana po okay na si baby! 😊
kmusta sis? napacheck-up mo na ba? Hnd tlaga normal yan sa age nya lalo na hnd pa naman yan kuamkain or umiinom ng solid foods. if ganyan na kalaki agad baka mejo matagal na yan. Tpos if may budget kayo ipa ROTA VIRUS VACCINE mo na din bago sya mag 6months pra iwas pagtatae din.
Kahit pa po anong size nyan bulate parin yan. At di normal na magkaron nyan ang 5month old
hindi wag mo dalhin sa doctor. mag post muna kayo na mag post, kumalap ng simpatya. yan FIRST AID NATIN NGAYON EH. Ang social media kesa doctor. take your time lang. 🙄 alam na may bulate tatanong pa kung kailangan na ipa doctor. sa susunod GAMITAN SINTINDO AH
seriously 5 mos palang po ? 😮 hindi po sa pagiging judgemental pero baka po napapabayaan si baby na kung ano ano lang sinusubo hindi po kaya ? delikado po yan ipacheck up nyona po para mapurga baka dumami pa at mag cause ng malnutrition.
Ang daming riding the high horse na mga mommies dito. Cringey mga comments. Nakakahiya kayong role models ng mga anak niyo. Pwe! Nasa community guidelines na nga na be kind and respectful to others.
mi lagi po ba nagugipitan kuko ni baby? kasi sa age nia nagtthumbsuck na sila so make sure na malinis po lagi kamay at paa ng baby dahil ang hilig nila magsubo subo. lagi nyo po punasan ng wipes. paliguan araw araw din.
opo palagi naman po sya ligo, at 2x week po nagugupitan yung kuko nya
Nagtatanung nga sya ng maayos eh. pwede naman sarilinin nyo nalang yung mga kuda nyo nayan. napapahiya pa yung tao. First time mom po sya. dami pa adjustments. Maging mabait po sana palagi sa kapwa.
Anonymous