Masama raw sa buntis

Hi po mga ma ask ko lang po naniniwala po ba kayo na mapapangamuyan daw ang isang buntis pag natutulog na nakaharap ang paa sa pintuan,,lage kasi nmin yun pinagtatalunan ng mga hipag ko gawa bawal raw matulog na nakaharap ang paa sa pintuan.di kasi ako naniniwala sa mga ganun.kayo po ba ano sa palagay nyo? Salamat.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako, hindi ako masyadong naniniwala sa mga pamahiin na yan but I do respect those. Kasi wala namang mawawala kung susundin nalang din and syempre para satin din naman yung mga sinasabi nila. For me lang, whether you believe or not sundin mo nalang para wala nalang pagtatalo. ☺️

Pamahiin lang po. Ganiyan po ang pwesto ko sa pag tulog since lagi po ako natayo para mag wiwi noon. Mas kumportable saakin kasi mas madali ang pag bangon at mas malapit sa door ng kwarto namin. Wala namang effect. Nakapanganak na ako at 2 months na po si lo. ❤️

Ako na ang higaan nakapwesto sa tapat ng pinto kasi maliit ang space 😱😱😱😱 seriously, hindi naman ako masyadong mapamahiin kaya keber lang. Mas nakakatakot mag spotting at bleeding kesa matulog ng nakaharap ang paa sa pinto.

Ano po yung mapapangamuyan? hehe. Basta ang pagkatanda ko is wag daw matutulog ng nakaharap sa pintuan sa impyerno daw mapupunta 😂 Thougj ako di talaga natutulog paharap sa pintuan kasi takot ako na baka may mumu 😂

Pamahiin lang po ang ganyan mi. Ako hindi naniniwala sa mga ganyan. Matakot tayo sa mga totoong tao na pedeng manakit sa atin kung bukas ang pinto habang tulog.

VIP Member

sa amin nga dapat daw pag buntis pag natutulog ay ganyan daw dapat a position para daw madali lang lumabas si baby pag manganganak na...

sa may pinto ako natutulog kse maliit ang space namen e kapag inusod ko pa ang sofa bed baka katabi ko na ung gaa stove at cr hahaha

ask lang po okay lang po ba na medyo mag matigas na unti sa bcg ni baby one month napo sya thanks po sa sasagot