SSS at Philhealth

Hello po mga ka-momshie, ask ko lang po kung magkano ang minimum maternity benefit na nakukuha sa SSS.. Teacher po ako at nagturo ako sa private school ng tatlong taon, at ngayon ay huminto na muna ako para makapagfocus ako sa pagbubuntis. Pumunta po ako sa SSS at philhealth para malaman ang status and contributions ko, ang kaso po ang last na hulog sa akin sa SSS ay August 2018 pa, mag iisang taong na palang di hinuhulugan ng employer ko kahit employed pa ako sa kanila, kasi nagresign lang naman ako nitong may 2019. Sa philhealth naman December 2018 pa ang last na hulog sa akin. Itatanong ko lang sana mga Momshie kung magkano naman ang makukuha ko kung maghuhulog ako sa SSS ko ng para sa 3rd quarter (July-Sept.) at October po ako manganganak kasi kung masyadong mababa lang naman di ko na po huhulugan, antayin ko na lang maemployed ako sa deped. At ang sa philhealth po ako na lang maghuhulog para magamit ko sa panganganak ko. Salamat po sa mga sasagot sa tanong ko?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung October ang due date mo, hindi na kasama sa bilang itong 3rd quarter. At least 3 months na contribution from April 2018 to March 2019 ang kailangan para makakuha ka ng SSS materbity benefit.

5y ago

May hulog pa po ako sa SSS hanggang August 2018.. Sabi po sa SSS makakuha pa daw po ako matben kapag naghulog ako ngayong third quarter