5 Replies

Mommy kain ka po ng malunggay lahok niyo po sa sabaw niyo. Daily din po kayo magtake ng malunggay capsules at mag ulam ng masabaw. Tapos bili po kayo ng milo at gatas inom kayo lagi kahit madaling araw. Ipadede niyo pa rin po kay baby yung boobs niyo para po magkagatas kayo kasi once na pinatigil niyo po mas ndi magkakaron. Imassage niyo din po boobs niyo. Konting pasensya at tiyaga lang mommy magkakaron din yan.

Sad to day mommy wala talagang milk na nakuha saakin kahit anong gawin ko 😭

Simulan niyo po sa hand express, pinch niyo po using 2 fingers 1 inch away from areola hanggang may lumabas na milk sa nipple. tyaga lang po kasi masakit sa umpisa. then massage niyo po boobs towards the nipple, and ganun din po pag nag breast pump. Napansin ko lumakas yung flow nung nagtry na maglatch si baby. Tsagaan lang po, masakit sa umpisa. Or consult a lactation specialist po.

Sad to day mommy wala talagang milk na nakuha saakin 😭💔

Mii , inom ka po ng purong kape yung walang gatas ganyan din po ako pagkapanganak ko wala kong gatas pinainom ako ng byenan ko ng kape para daw lumabas yung gatas. Ngayon po sobrang lakas na ng gatas ko tumataba na din baby ko ang payat at liit kase nya nung pinanganak ko e. try mo po mii

Thank you sana effective din saakin

Hi, ganyan din ako lalo na nun after cs operation mga 4days na si baby before ako nagkamilk. Ipaunli latch niyo lang, or try mo mag breastpump. Nagtake din ako ng malunggay supplements, m2 tea, sabaw sabaw and more water. Magkakamilk din po kayo eventually.

Ipa unli latch niyo lang si baby, ebf na ngayon si baby. Kain lang kayo ng green leafy vegetables, nag take ako nun first 2weeks ng malunggay supplements, consistent breastpump kahit masakit, and massage mo lang.

VIP Member

May nakita po ako rito before na pinost na fb group na regarding breastmilk po pasearch na lang po

Thank you

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles