3days no poop si baby

Hello po , mag 3days na po kase hindi naka poop si baby po. Alarming naba ganyan katagal ? Pinainom na water wala padin. Gusto ng papa nya i suppository na si baby kaso ayaw ko. Formula po pala si baby . TIA

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi, ilang months na po si baby mo? Inask ko po ito sa pedia ng aking baby dahil 2 days syang hindi naka poop nun May 28 at 29, 2022 puro wiwi lang. exclusive breastfeeding po 3months po si baby ko. Sabi po ng pedia ay normal lang siya up to 1 week lalo na kapag breastfeed. At hindi din daw po advisable painumin mg water si baby mi hanggang hindi po siya kumakain ng solid. Yung sa formula mi, merong ratio po yung sa gatas nya po kaya di po talaga pwede painumin si baby ng water unless nag sosolid na po siya. Kasi pwede po ma intoxicate ang ating baby at mamaga ang utak.

Magbasa pa