Na operahan habang buntis

Hello po. Last July 23, 2022 nagkaron po ako ng spotting nagpa check up po ako agad sa OB dahil bothered ako since first baby po. Base po sa last menstruation ko five weeks na ako that time pero pagdating sa ultrasound walang nakita sa matress ko then sa Bandang right side ng tube ko may nakitang bilog na masakit pero sabi ni doc hindi naman daw raptured. Nag stop nadin po yung spotting ko. Sabi nya nga ectopic pregnancy daw need daw ng ASAP operation habang di pa raptured pina admit na nya ako that day din. Hindi na ako naka pag second opinion since nakaka ramdam na din ako ng sakit sa aking right side. Nag pa admit na ako agad sa ospital inoperahan din ako that day and after my operation sabi ni doc hindi daw ectopic hemorrhagic curpos luteum daw. So meaning buntis padin ako. After one week of my operation I ultrasound ako ni doc meron nang nakita sa matress ko and after two weeks ulit nakita na ang heartbeat nya. Sabi ko sa sarili ko okay lang na nagkamali ang findings ni doc atleast nandito padin ang baby ko.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply